one shot story

17 1 0
                                    

Nagtipa ako ng sagot ko sakanya.

Oo tapos na, bakit? -athena

Ilang sandali lang ay tumunog na ang selpon ko.

Wala naman, ayos lang ba? -mac

Oo naman, bihis lang ako. -athena

Ayos! Sunduin kita dyan, ingat ka yna. -mac

Ayos lang naman dahil kaibigan ko si macmac isa pa, matutulungan niya ko sa aking pagaaral. Hindi kami pareho ng eskwelahan na pinapasukan ngunit pareho kaming nasa ikatlong taon na sa kolehiyo.

Pagdating namin sa isang mall ay tinanong niya ako kung saan ko gustong magmeryenda. "Kahit saan nalang mac, tulungan mo kong magaral para sa pagsusulit namin bukas ha?" Pakikisuyo ko sa aking kaibigan. "Oo naman yna! Ikaw pa, malakas ka sakin eh" sagot naman niyang may kasamang kindat at pagtaas ng parehong kilay. "Para kang sira" natatawang sabi ko.

Sa starbucks kami nagpunta upang magmeryenda. Tawa ako ng tawa habang kumakain dahil palabiro talaga si macmac. Ngunit napawi ang saya ko ng makita ang isang pamilyar na magkasintahan, agad aking tumingala upang mapigilan ang nangingilid kong luha sabay buntong hininga at sinubo ko ang cake sa lamesa para mawala ang bumabara sa aking lalamunan. Bumaling nalang uli ako sa librong binabasa ko.

"Yna.." Tawag ni mac sakin. "Hmm?" Sagot ko ng hindi siya tinitignan dahil nagbabasa ako ng aking libro. "Manliligaw ako ha?" Sabi niya habang hawak ang aking kamay. Tinignan niya ko na punong puno ng pag-asa.

Tinanggal ko ang aking mga kamay mula sa pagkakahawak niya at sinabing, "Mac, kaibigan kita..." Hindi malamanang idudugtong dahil ayaw kong masaktan ang damdamin ni mac.

Gusto ko si mac, ngunit hindi pa ko handang buksan ang sarili ko sa iba. Hindi ko pa kayang magmahal ng iba dahil hindi pa ko tapos sa pagmamahal sa kaniya... Hindi ko alam kung matatapos ba ang pagmamahal ko sa kaniya.

"Mahal kita, yna. Matagal na" dagdag niya pa. Ang kaniyang mata ay punong puno ng sinseridad, hindi ako tanga para hindi mapansin na mahal ako ng kaibigan ko pero hindi ko ito pinapansin dahil ayaw ko na umasa siya.

"Hindi ko pa kaya, mac. Mahal ko pa siya, ayaw kong saktan ka" iiling-iling kong sagot. "Hindi mo na siya mahal, hindi ka lang sanay na wala siya sa tabi mo, yna"

Hinawakan niya ulit ang kamay ko at sinabing "Isa pa, hindi ako nagpapaalam Yna, sinasabi ko lang na manliligaw ako para alam mo. Matutunan mo rin kong mahalin"

Hanggang Ngayon... (Academic Purposes)Where stories live. Discover now