Natutulog ako ng araw na yun hilig ko talaga matulog haha .nagising lang ako dahil lang sa may nagtxt sakin .Actually d ako mahilig magtxt eh kase puro gm sila ng walang kwenta namn pero nagloload padin ako kase baka may emergcy chaka yung mga classmate kong demanding haha pero nung hapon na yun creepy yung katxt ko ito combo namin.
Unknown: hello ms.
Ako:(saisip ko sino ba kaya toh nagreply padin ako kahit d ko sya kilala kass baka classmate ko) yes!? Sin po kayo?
Unknown:ako lang naman yung taong lihim na humahanga sayo.
Ako:ok kalang ?? Bka nagkamali ka ng naitxt ni di nga kita kilala.
Unknown: ang sungit mo talaga pero pag nagsusungit ka lalo kitang nagugustuhan
Ako:(aba loko toh !) Di po ako masungit hini ko po kase kayo kilala sino po ba kase kayo ??
Ako:kung ngtritrip lang po kayo tigilan nyo na po ako di po ako mahilig makipagbiruan .
Ako:bye!
Unknown: makikilala mo din ako miss ag hinding hindi mo ko makakalimutan
Di nako nagreply kase kinakabahan ako baka mamaya eh masamang tao chaka di ko talaga kilala sya ayoko naman sabihin kila mama baka pagalitan ako nung gabi pag lalabas ako parang may nakatingin sakin at sumusunod ayoko sana masyadong mag isip kaso tumunog cp ko ulit nagtxt nanaman yung unknown na yun pauwi nako nun aling palengke ang text nya.
Unknown:ang ganda mo talaga lalo na pag nakashort at nakapink na damit ka . :)
(Njng time na yun kinabahan ako baka yung nararamdaman ko na sumusunod sakin eh yun tumakbo nako sa bahay naglock ng pinto kahit nagtataka sila mama pinili ko pa din manahimik naglibang nalang ako para makapg luto.pero tumunog nanaman cp ko.)
Unknown:mukang ansarap ng niluluto mong adobo mahal ahhh
Ako:(kung kakilala ko to at crush ko baka matuwa pa ko pero hindi di ko sya kilala pano nya nalaman na adobo niluluto ko tumingin ako sa paligid wala namang tao eh sila mama nasa loob ako nasa kusina nagreply ako) tigilan mo nako di naman kita kilala pls lang .
Unknown: wag ka mag alala mahal konti nalang magkikita na tayo .
Ako :sino ka ba kase???
Unknown : nasusunog na niluluto mo
Nung nabasa ko yung txt tinignan ko yung kawali busit nasunog na wait pano nya nalaman natatakot nako bakt alam nya yung nangyayari dito sa bahay di nako nagreply inaya ko nalang sila kumain .
Kumakain kame ng biglang tumunog cp ko di nagsitingin sila sakin wala naman kase nagttxt sakin pag ganung oras tinignan ko nalang yung txt .
Unknown: damihan mo kain mahal ahhh
Tumngin ako sa paligid pati sa labas wala namang tao eh tapos nagagalit na sila mama kase tunog ng tunog yung cp ko kumain daw muna ako ng nagtxt nanaman sya
Unknown: naggalit ata sila sige lang kain kalang mamaya nalang ulit mahal
Naiiyak nako kase natatakot nako eh parang syang istalker na lahat ng galaw ko alam nya lahat ng nangyayari di nako lumalabas nasa kwarto nako kaht utusan ako sa labas kahit pagalitan ako sabi ko ayaw ko kahit nagtataka sila hinayaan nila ako naligo nalang ako at nasa kwarto ng tumunog cp ko gusto ko ng patayin cp ko pero katxt ko classmate ko kaa n choice ako pero sya nanaman yung nagtxt binasa ko naman kaht takot nako.
Unknown:mas maganda ka pag bgong ligo amoy na amoy ko yung sabon mo yung shampoo mo may mga pumapatak pang tubig galing sa buhok mo .
Ako: (namn kinakalibutan na naiiyak nadin ako sa takot halos malaglag ko na cp ko gusto ko ng tigilan nya ko.) Tigilan mo nako kng Frank lang toh t.i tigilan nyo na dahil panalo na kayo natatakot nako.
Unknown :shhhhh! Di kita tinatakot masaya lang ako pag pinagmamasdan ka pag naaamoy ka pag sumisimagot ka di kita niloloko .andto lang ako I see you :)
To be continue
Jststyrdng
BINABASA MO ANG
PINOY HORROR STORIES
HorrorMga kwentong kababalaghan. Mga kwentong di ko makakalimutan . Mga kwentong di ko kayang tagalan. Ma kwentong nagpanginig ng aking katawan pati na ng aking kalamnan Ako si Charlotte tawagin nyo nalang sa pangalang " cha " at nandto ako para ibahagi s...