Chain's POV
"Ano naman ang napag-usapan nyo ni Vera at kailangan ka pa talaga niyang dalhin sa kwarto niya?" Tanong ni Jeric sa akin nang matapos kaming mag-usap ni Vera at pagkatapos ay hinila na lang ako neto dito sa kwarto niya, sinabi ko naman sa kanya na iwang bukas ang pinto para walang maisip na masama ang mga kasama niya dito.
"Wala, nagpapatulong lang siya sa akin." Sagot ko dito at umupo sa kama niya.
"Hah? Saan siya nagpapatulong?" Tanong ulit nito at umupo na din sa tabi ko.
"Kay Earl, Boyfriend nya pala yun si Pipoy." titig na titig naman ito sa mukha ko habang nagsasalita ako, teka nga ano bang tinititigan neto? yung mga pores ko?
"Hah? Pipoy?" nagtatakang tanong niya at hindi pa rin talaga naaalis yung titig nya sa akin.
"Ay hindi ko pa pala nakekwento sayo, kababata ko pala si Earl tapos Pipoy tawag ko sa kanya, Ichi naman tawag niya sa akin kasi ayun yung nickname namin." sagot ko dito na medyo naco-concious na dahil sa mga titig niya.
"Ahhhhhh, pumayag ka namang tulungan siya? pwede ka namang humindi dun, ako bahala sayo."
"Ba't naman ako hihindi eh bestfriend ko naman si Earl edi mas mapapadali ang pag-aayos nilang dalawa nila ni Vera. Naawa nga ako kanina sa kapatid mo habang kinukwento niya sa akin yung sitwasyon ng relationship nila eh. Sabi niya nararamdaman niya na daw na ayaw na ni Earl kaya binigyan niya ng time tsaka baka masyado na daw naciclingy-han sa kanya kaya ayun binigyan niya muna ng space pero sila pa rin naman daw." mahaba kong paliwanag dito at ako naman ang tumitig sa kanya baka sakaling ma-intimidate.
"Ano namang plano nyo? tulong din ako!" sabi niya at medyo umiwas ng tingin, hahahaah effective!
"Sure, mamaya ibibgay sa akin ni Vera yung mga kailangang gawin tapos tulungan mo na lang akong mag-organize, okay?" saad ko at nginitian siya.
"Ang cute mo ngumiti noh? parang kahit anong utos mo susundin ko dahil diyan sa ngiti mo eh." sabi nito bigla. Huwag tayong magkunwari, syempre nakaramdam ako ng kilig dahil dun at syempre hindi ko pinapakita para naman tumaas ang value ko noh! hahahaha.
"Sus bola." simple kong sagot para hindi mahalata na kinikilig ako. Hahahaha learn from the expert guys, wag kayong masyadong pabigay kasi kung hindi nyo tataasan ang market value nyo, edi tatawagin kayong cheap.
"Seryoso yun, pero may request ako sayo Chain." sagot naman niya na mukha namang seryoso.
"Anything basta kaya kong gawin." sabi ko naman, dapat generous noh, baka naman mawalan to ng gana pag puro siya ang nage-effort.
"Wow, anything talaga? Simple lang naman yung request ko eh." biglang sumilay sa mukha nito ang ngiti nang marinig ang sagot ko sa kanya.
"Oh ano nga yon? spill it out and I'll try to make it."
"Gusto ko may tawagan tayo, endearment kumbaga." napakunot naman ang noo ko pero at the same time ay napangiti ng lihim. Pero tandaan mga baby beks, huwag ipakitang naeexcite kayo okaya gustong-gusto niyo ang mga sinasabi okaya yung mga ginagawa nila, gawing minimal lang ang lahat para kahit papaano may pakipot pa rin ng onti.
"Hah? endearment? pang magjowa lang yun eh, diba nanliligaw ka pa lang?"
"Kala ko ba you'll do anything basta kaya mong gawin? tapos ako may tawag na ko sayo pero ikaw, Jeric lang ang tawag mo sa akin. Tsaka bakit kayo ni Earl may tawagan? Grabe unfair." Teka lang naman, bakit kailangan magpacute pag nagpe-please? Yung nguso at mga mata niya, jusko po, get yourself together Chain.
"Kailangan ba talaga?"
"Uhmmm sige kung ayaw mo, huwag na lang. Ayaw ko naman----"
"Oy teka lang wala akong sinasabi kong ayaw ko." pamumutol ko sa sasabihin niya dapat. Nagpapakipot lang naman ako eh di man lang ako pinilit.
BINABASA MO ANG
The Unexpected You (GayXBoy)
Teen FictionMay mga taong dumadating sa buhay natin nang hindi naman natin inaasahan, pero ang hindi natin alam isang araw sila na ang pinakamahalagang tao sa buhay natin. @2YellowMonster3