T.U.Y-24

1.5K 51 7
                                    


A/n: salamat sa mga naghintay ng matyaga, sorry sa sobrang late na update dahil sobra lang talagang ginagawa sa school lalo na ngayon na gagraduate na ako. So ayun tiis tiis muna po dito sa chapter na to. Lovelots!!!

Chain's POV

"Ang ganda dito Poy ah! sobrang chill nung ambiance tapos ansarap din ng pagkain" Andito kami ngayon sa isang restaurant, dito ako dinala ni Earl nung pumayag ako sa inalok nyang dinner.

"Sabi na magugustuhan mo dito eh. Para ano pa't naging BESTFRIEND mo ako." Bakit may pagdidiin dun sa salitang bestfriend? siraulo to ah! parang may gustong iparating.

Napakunot ang noo ko at nagdikit ang kilay ko dahil dun sa pagkakasabi nya, tinatantya ko pa kung meron pa bang ibig sabihin yun.

"Oh ba't ganyan itsura mo, kala ko ba masarap yung mga pagkain." Sabi niya habang iniikot-ikot yung tinidor dun sa pasta na kinakain nya.

"Wala, napaka thankful ko lang na ikaw yung BESTFRIEND ko." Hello mga bessy! kailangan palaban na tayo ngayon

Nakita kong siya naman yung napakunot ng noo pero agad ding nawala at napalitan ng ngisi.

"Ichi may tanong ako sayo, rhetorical lang. What if walang nanliligaw sayo tapos umamin sayo yung bestfriend mo na gusto ka nya, ilang percent yung chance na magugustuhan mo din siya?" May pa rhetorical pang nalalaman, halata namang tungkol samen ito.

"Depende" maikli at pabitin kong sagot.

"Panong depende?" Sumipsip muna ako sa milktea ko atsaka sinagot ang tanong nya.

"Depende kung may nagugustuhan akong iba, depende kung may gusto rin ba ako sa bestfriend ko."

"Ahhh ganito na lang, i-disregard natin yung mga factors na yun. Ang titignan lang natin ay yung mga gusto mong katangian ay nandun na lahat sa bestfriend mo." Sa totoo lang hindi ko din alam kung saan patungo yung usapan namin, pero ang punto lang naman nito ay kung wala ba si  Jeric ay magkakagusto ako sa kanya.

"Siguro, kasi poy until now naniniwala pa rin naman ako na yung love, hindi pinipili at hindi rin pinipilit. Kumbaga kusang darating, kusang mararamdaman. Kahit kanino naman pwede kang magkagusto eh, pero hindi kahit kanino pwede kang mainlove."

"Ah ganun ba? Akala ko kasi pwedeng ipilit eh okaya naman pwede ding maging mutual yung feelings kung ibibigay mo lahat yung gusto nya, hindi pala." Bigla naging malungkot yung paligid, isabay mo pa yung malungkot na kantang pinatugtog dito sa kinakainan namin.

"Anong bang pinagsasasabi mo jan poy? Kung kayo, kahit ilang taon ang abutin, kayo talaga. Pero kung hindi edi for sure na may mas darating na better. Ganun yun poy! tsaka wag ka ngang masyadong fed-up dyan sa pag-ibig, there's more to life than love yan ang tandaan mo palagi." Sabi ko sa kanya, alam ko namang nasasaktan ko sya indirectly pero hindi ko rin naman kayang magsinungaling para lang masabing maayos ang lahat. Katulad nga ng sinabi ko kanina, hindi pwedeng ipilit at hindi din pwede piliin.

"Change topic na nga chi hahaha masyado kang nagiging seryoso eh. Anong masasabi mo kanina sa mga basketball moves ko?" This is one of the thing I like about Pipoy, kaya nyang ibahin yung mood ng napakabilis. Minsan nga naiinis na rin ako sa sarili ko kasi sya palagi yung nag-aadjust, sya palagi yung kailangan gumawa ng move. Pero kasi ang hirap eh, lalo na ngayon na alam ko na yung nararamdaman nya para saken.

" San ba dun? yung natalisod ka? HAHAHAHAHAHA, that's my favorite part of the game, poy." Pang-aasar ko sa kayabanga nya.

"Grabe ka Chi, hindi mo ba naririnig yung hiyawan ng mga tao lalo na ng mga babae kapag ako na yung may hawak ng bola? halos dumagundong yung court eh." Napapahawak na lang ako sa noo ko sa kayabangan nitong lalaking to.

"Ba't parang lalong lumamig? lalong humangin ah? or dito lang yun sa part naten?" Pagbibiro ko sa kanya at tinuon ko na lang ulit yung sarili ko sa pagkain.

"Grabe ka talaga chi, di mo man lang ako suportahan. Alam mo bang sa dinami dami ng nagtitiliang babae, yung cheer mo lang ang hinahanap-hanap at gustong marinig ng tenga ko?" Ayan nanaman siya, hindi ko na alam kung paano ko sasabayan to.

"Sasasabi mo jan? tsaka chineer naman kita ah! Sumigaw pa nga ko nung walang masyadong sumisigaw eh para rinig na rinig ako." Pagtatanggol ko sa sarili ko, natatawa na lang ako sa isip ko kasi ag babaw ng arguement na to pero nakakatuwa din makipag-usap ng mga ganitong bagay kay Earl.

"Ayun na nga eh, ang sinigaw mo ba naman 'Go Pipoy, Go Jeric kaya nyo yan!!!' Magkalaban kami tas chineer mo kami parehas? Di ko makuha eh, sino ba talagang gusto mong manalo?"Aba nangatwiran pa.

" Eh pareho ko kayong gustong i-cheer eh! Labo mo Poy ah! sige next time di na ko manunuod ng game mo!" Kunwari naiinis ako perp syempre arte lang.

"Joke lang naman Chi, ikaw nga dahilan kunh ba't nanalo kami eh. Pano ba nama sayo ko kumuha ng lakas tsaka inspirasyon tas bigla ko pang narinig na sinigaw mo yung pangalan ko, edi ayun na, may nanalo na."

--------------------------------------------

Pagkatapos nun ay inihatid na ako ni Pipoy dito sa amin, ipinaalam nya naman pala ako kay Tita kaya ayos lang daw at ligtas naman kaming nakauwi.

Nang makaligo na ako at makapag ayos ng sarili ay narinig kong nagring ang cellphone ko, dis-oras na ng gabi kaya nagtaka ako yung sino ba ang tatawag sa akin ng ganitong oras. Pero nang makita ko ang pangalan ng tumatawag ay medyo napangiti ako, oo medyo lang para naman hindi masyadong halata.

"Hello, Jeric?" pagbati ko, pero makalipas ang ilang segundo ay wala pa ring sumasagot pero may naririnig akong tunog.

"Hello? Jeric? andyan ka ba?" Medyo kinilabutan na ako dahil may naririnig akong halinghing, at ang mas malala pa ay tunog babae.

Bumilis ang tibok ng puso ko at tila ba may sariling buhay ang luha ko at tumulo na lang siya.

Agad kong in-end ang tawag at humiga na sa aking kama. Hindi ko na alam kung paano ako makakatulog, hindi ko na alam kung anong iisipin ko, hindi ko na alam.

The Unexpected You (GayXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon