"Oy bessy, penge naman ng index card oh. Balik ko na lang sayo mamayang break." Sabi ng katabi kong babae na maganda sana kaso di marunong magsuklay. Di kami magkatabi ngayon ni Ley dahil sa subject na to ay halo ang babae at mga lalaki. Bakit ba usong-uso ang pagtawag ng bessy sa mga taong hindi mo man lang kakilala. Pero sabagay mas okay na din kesa naman kuya ang itawag sa akin diba.
"Sure, eto oh. Tsaka no need ng ibalik." Nginitian ko siya at agad iniabot ang 1/8 index card na pinapakuha sa amin ng subject teacher namin para ipasa sa kanya, for recitation daw ito.
"Wow! ang generous mo naman bessy, thank you!" Sabi nya ng nakangiti. Ganito yung mga gusto kong kaibiganin eh. Mga tipong babaeng bakla tapos di nila alam na maganda pala sila, di lang marunong mag-ayos ng sarili.
"No, problem" pagkatapos nun ay nagsulat na ako ng mga dapat isulat dun sa index card na yun.
"Chain pala ang pangalan mo, ang unique. Paano ba naman kasi tong pangalan ko bawat ata tao may kakilala na katulad ng pangalan ko." Nagulat ako dahil busy ako sa pagsusulat sya pala ay tapos na at sinilip ang akin. Aba ang bilis magsulat ah.
Tinignan ko ang papel niya at nagulat kasi yung penmanship ay pangmalakasan, sa sobrang pangmalakasan ay di na mabasa.
"Di mo mabasa bessy noh hahaha pasensya na sa sulat ko ah, wala tayong magagawa pasmado kamay ko since birth eh. Patricia Marie ang pangalan ko hahahaha diba ang usual." Sabi niya ng makitang pinipilit kong intindihin ang sulat nya. Oo, alam kong nagpakilala na kami lahat sa harap pero ako talaga yung taong di matandain sa pangalan eh pero sure akong matatandaan ko tong pangalan ni Pat hahaha.
"Chain, pwede bang mamayang break sabay tayo? Wala pa kasi akong bessy dito bukod sayo eh." Medyo nahihiya pa ang bruha magsabi hahaha.
"Oo naman b-bessy?" Patanong kong sagot kasi di ko sure kung pwede ko ba siyang tawaging bessy.
"Yun tinawag mo din akong bessy, wala ng bawian yan ah bessy na talaga tayo ah. Oh eto friendship bracelet para di mo makalimutan na bessy mo ko." Nagulat ako ng may bigla siyang kinabit na bracelet sa akin hahaha. Handa si mayora.
"Ay ginalingan mo naman masyado hahahaha. Pasensya ka na ah wala kong mabibigay as sign of our friendship sa ngayon. Di kasi ako handa katulad mo eh." Ayun na lang nasabi habang tinitignan ang cute na bracelet.
"Okay lang yun bessy basta mahalaga bessy na tayo." Sabi niya ng nakangiti. Tignan mo nga naman oh second day pa lang dalawa na agad ang kaibigan ko ay sa tingin ko okay na yun. Ako kasi yung tipo ng tao na gusto ay maliit lang ang circle of friends ko dahil mas maliit ang chances na nagpaplastikan kayo.
Habang walang ginagawa ay agad akong lumabas ng room para umihi dahil punong-puno na ang pantog ko. Pa'no ba naman kasi ang lamig-lamig sa classroom, dala-dalawa ang aircon na nakabukas jusko. Tinyempuhan ko rin na wala akong kaklasing lalaki na nasa cr dahil unang-una bilang bakla ay naa-awkwardan ako sa mga tingin nila. Para bang tingin na pinaghihinalaan ka na may gagawin kang masama sa kanila. Automatic na atang kapag bakla ka ay mahilig ka. Nabibwisit lang ako dahil sa stereotype na yan. Hindi lahat ng bakla yun lang ang hanap at hindi naman lahat ng lalaki ay gwapo noh. Namimili din kami mga bessy. Ay ayan nagaya tuloy ako kay Pat.
Pero sa kasamaang palad nung pumasok ako sa c.r. ay may college student na nakapang tourism uniform ang nananalamin. Nalaman ko din na halo pala ang mga estudyante na nagbubuilding dito, may mga college pero karamihan ay mga shs katulad ko. Jusko mga bessy ang gwapo niya mukhang afam pero mukha pa ring Pinoy.
Nang makita niya ako ay ngumiti siya at di ko alam kung anong ibig sabihin nun. Nagmadali akong pumasok sa isang cubicle at dun umihi, ayoko dun sa mga nakasabit lang awkward talaga lalo na't may tao pa sa labas. Pagkatapos kong kiligin dahil sa pag-ihi ay lumabas na din ako ng cubicle pero nagulat ako nung nandun parin yung gwapong college sa harap ng salamin at inaayos ang buhok nya. Pumunta ako sa katabing lababo ng kinatatayuan nung lalaki at naghugas ng kamay.
" Diba ikaw si Chain ,yung youtuber? Idol na idol ka ng kapatid ko." Sabi nya ng hindi tumitingin sa akin dahil inaayos o ginugulo ba niya ang buhok nyo, di ko din alam eh.
"Ay opo ako yun." I can't find the words to say. Palagi akong ganito nauubusan ng salita everytime na may naeencounter akong nakakakilala sa akin sa youtube unless youtuber din sila katulad ko.
"Pwede bang magpapicture para ipakita ko sa kapatid ko, siguradong maiinggit yun." Ani nyang muli pero ngayon nakatingin na sya sa akin dahil tapos nya ng ayusin/guluhin ang buhok nya.
"Ay sige po, sure."
"Pero dun na sa labas ang dilim kasi dito eh baka sabihin nun edited pa hahaha." Potapete mga mahmehn ang gwapo niya ngumiti.
"Okay po." Pagkasabi niya nun ay agad kaming lumabas at tumapat sa liwanag. Kinuha ang cellphone nya mula sa kanyang bulsa. Nagulat ako ng akbayan nya ko pagkatapat nung camera nya sa amin. Ngumiti na lang ako dahil no choice na rin at ayaw kong magpakaipokrito dahil gusto ko din naman. News flash: ang bango niya at yung braso niya...jusko lord patawarin mo ko.
"Ayun ang ganda ng kuha siguradong di magdududa yun. Jeric nga pala Chain, thanks sa picture ah." Pagpapakilala niya sa akin at bigla na lang din tumakbo papunta sa room niya na tatlong room lang ang pagitan sa pinagroroom-an ko
Siya na kaya yung sinasabi sa mga horoscope na magiging lovelife ko? Sana nga siya na.
So asang-asa nanaman ako. Ganyan ako simula nung magsimula ang taon na to. Badtrip kasi yang mga horoscope na yan eh, ang lakas magpa-asa, ako naman tong si tanga asa ng asa.
A/n Si jeric yung masa media.
BINABASA MO ANG
The Unexpected You (GayXBoy)
Novela JuvenilMay mga taong dumadating sa buhay natin nang hindi naman natin inaasahan, pero ang hindi natin alam isang araw sila na ang pinakamahalagang tao sa buhay natin. @2YellowMonster3