Chain's POV
"Oh eh ano namang masama kung kausap ko siya?" sagot ko kay Pipoy na may kasama pang pag kunot ng noo.
"Wala naman, siya kasi yung girlfriend ko." Sabi niya sabay yuko. Hindi niya nga pala alam na alam kong si Vera ang girlfriend niya.
"Alam ko matagal na." derecho komg sabi
"Matagal na? ba't di mo sinasabi?"
"Let's get this straight nga Poy, mahal mo pa ba siya?" Ayoko na kasing paligoy-liguyin kasi this is the least thing I can do for both of them.
Wala akong narinig na sagot sa kaniya, yumuko lamang siya ulit at napuno ng katahimikan ang silid.
"Kasi Poy siya mahal na mahal ka pa. I can see it in her eyes everytime na pinag-uusapan ka namin." hindi nanaman siya kumibo
"May iba na kasi akong gusto." Aaminin ko, medyo nadismaya ako sa sagot ni Pipoy. I mean, kung lalaki siya dapat magpakalalaki siya. Hindi yung porket hindi niya na gusto, iiwan nya na lang basta-basta. Kaya naman napapilatak ako sa narinig kong sagot niya.
"So ganun na lang yun? sa tingin mo okay na yung girlfriend mo ay naghihintay sa wala kasi ikaw may gusto ka na palang iba?" Hindi nanaman siya sumagot, palibhasa alam niya sigurong kahit saan tignan ay mali siya.
"Hindi mo din naman ako masisisi Chi eh. Hindi ko na din siya maramdaman. Parang ayaw niya na din. Tapos yung pagkagusto ko sa taong gusto ko ngayon kumpara sa kanya ay walang-wala. Baliw na baliw ako sa taong to chi, sana naman maintindihan mo." Ewan ko kung anong mararamadaman ko sa sinabi niya at sa ekspresyon ng mukha niya.
"Naiintindihan ko naman yun Poy, ang hindi ko lang maintindihan ay bakit hindi ka makipaghiwalay kay Vera kung ayaw mo na? Bakit patuloy mo siyang pinapaasa sa relasyon nyo? Ayun yung hindi tama Poy."
"Ayaw ko kasi siya masaktan."
"Nyeta Poy, di ko gets. Sa ayaw at sa gusto mo masasaktan siya, In fact nasasaktan na siya ngayon pa la--." pinutol na niya ang huling salita na sasabihin ko, sinabi ang mga salita na hindi ko alam kung paano sasagutin.
"Ikaw ang gusto ko Ichi." Kung kanina siya ang hindi sumasagot, ngayon naman ako ang natameme. Hinihintay kong tumawa siya o ngumisi man lang para malaman kong nagbibiro lang siya. Pero hindi, seryosong-seryoso siya sa sinasabi niya.
"Sabi ko noon, pag handa na akong umamin sayo dun ko na hihiwalayan si Vera. Pero wala, sobrang hina ko kapag nasa harap na kita. Nung hinila kita sa roadtrip, duon na dapat ako aamin pero parang pinuputulan ako ng dila sa tuwing sinusubukan ko. Ichi alam ko nama na hindi ako yung tipo mong lalaki, na hanggang magbestfried lang tayo. Masakit mang sabihin pero sa madaling salita walang chance." Hindi ako makatingin sa kanya habang sinasabi niya yan pero sa tono ng pananalita niya, nangingiyak na siya. Ito na ata ang pinaka-awkward na situation na hindi ko kayang i-handle. Tama pala sila Ley at Pat, manhid lang pala talaga ako o di kaya nagkulong ako sa ideya na magkaibigan lang kami ni Pipoy.
"Hindi ko naman ipipilit kung ayaw mo talaga Chi. Pero please wag kang umiwas sa akin, di ko na alam gagawin ko kapag tinuring mo kong hangin. Di ko kaya Chi. Kahit hanggang magkaibigan lang basta wag kang lalayo. Atsaka promise hihiwalayan ko na rin si Vera." Umiiyak na nga siya, sabi ng iba fulfilling daw kapag iniyakan ka ng lalaki kas ibig sabihin nun ay importante ka talaga sa kanya. Pero sa ngayon, kahit na katiting na tuwa ay wala akong nararamdaman. Nasasaktan ako, para kay Vera, para kay Pipoy at para sa lahat ng mga taong hindi mahal ng taong mahal nila.
"Poy balik na tayo ng classroom."tumayo na ako, tumingala siya sa akin. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi niya at ngumiti.
"Kung iniisip mong iiwasan kita o lalayuan dahil lang dun, hindi Poy. Pwede naman na magkaibigan diba? Atsaka pwede bang mawala yubg childhood bestfriend ko? Kung dati nangyari yun, ngayon hindi na, Okay?" Tumayo na rin siya at nakita kong ngumiti siya, ayun nga lang iba ang sinasabi ng mga mata niya.
Bumalik kami sa classroom na para bang wala lang nangyari. Hindi nagbago sa pagkilos si Pipoy, ewan ko kung nagpapanggap lang siya o totoo ba, pero ang importante nagpakatotoo kami parehas.
"Oy teh may laro sila Chris ngayon, kalaban nila sila Jeric. Manonood ako gusto mong sumama?" sabi sa akin ni Ley pagtapos ng klase.
"Ayoko eh parang gusto ko ng umuwi?" Ewan, sa mga nalaman ko ngayon para di ko kayang magpanggap na okay. Di ko pa rin pala nakekwento sa kanilang dalawa kasi walang time.
"Anong uuwi? konyatan kayakita jan bessy. Maging supportive girlfriend ka naman dun sa jowa mo." Sabat naman ni Pat na pagkalakas-lakas pa ng boses, nakita ko naman na andun pala si Pipoy at narinig yung sinabi ni Pat.
"Oy di kami magjowa. Ito talaga eskandalosa." sagot ko naman na sadya kong ipinarinig kay Pipoy.
"Punta ka na Chi, andun din ako. Panuorin mo kung gano ko kagaling shumoot." sabat naman ni Pipoy.
"Shumoot mo mukha mo, sige pupunta ako pero libre mo muna ako ng Milk tea jan sa tapat." We're jyst trying to keep it casual. Ayaw kong maging awkward tong friendship namin at sa tingin ko ganun din naman siya.
"Sus yun lang ba? basta andun ka ah."
BINABASA MO ANG
The Unexpected You (GayXBoy)
Teen FictionMay mga taong dumadating sa buhay natin nang hindi naman natin inaasahan, pero ang hindi natin alam isang araw sila na ang pinakamahalagang tao sa buhay natin. @2YellowMonster3