A/N : Bago ang lahat, gusto ko lang obligahin kayong lahat na nagbabasa netong storya na to na basahin yung "Multo sa Manhole 3" ni elusive_conteuse. Kung hindi nyo pa yun nababasa, kailangan nyo ng basahin yun, unahin nyo yun kesa dito kasi mas makabuluhan yun HAHAHAHHA.On-going pa sya pero promise guys sobrang dami niyong matututunan dun at hinding-hindi talaga kayo magsisisi. Atsaka kung hindi nyo pa nababasa yung Multo sa manhole 1&2, gusto ko lang kayong tanungin, san kayo nakatira? Yun lang thanks, here's the update, enjoy.
My mind goes autopilot when I'm next to you
Chain's POV
"Chain? you awake? anong ginagawa mo?" Text sa akin ni Pipoy. Sabado ngayon at wala nga kaming pasok, ito yung schedule ko sa pagfi-film at pupunta sana ako sa supermarket para bilhin yung mga gagagmitin kong materials para sa video na gagawin ko.
"Pupunta sana sa supermarket, tas magfi-film ng video. Bakit?" Alam nyo kung anong kaibahan ni Pipoy sa ibang lalaki? yung ibang lalaki kapag may kaibigan na katulad natin, aakalain agad nila na may gusto sa kanila o kaya mamanyakin sila. Ayun yung kinaibahan nila kay Pipoy, malawak yung pang-unawa nya. Hindi niya iniisip na pare-pareho lang yung mga bakla, na kapag lumapit sa lalaki may ibig sabihin agad.
"Samahan kita? wala akong ginagawa eh."
"Ikaw bahala, pero maya-maya na kasi mainit pa." Hinawi ko ang kurtina at nakita kong sobrang tirik na tirik pa ang araw. Ayokong umaalis ng bahay na ganyan kainit dahil nagla-lawa ang kili-kili ko jusko.
"Sige kumander, you know what to do. I'm just a text away."
"Daming alam, sige na text kita mamaya kapag maliligo na ko."
"Bakit? magsasabay tayo."
"Ulul, never mong makikita tong sexy body ko." Hindi naman ako conceited, ganyan lang talaga ako sumagot sa mga biro.
Pinatay ko na din ang cellphone ko at pumunta sa aircon para buksan ito dahil hindi na kinakaya ng electricfan ang init.
"Chain gising na, andito si Earl." Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako pagkabukas ko ng aircon, pagkatingin ko sa orasan ay may-aalas tres na ng hapon.
"Sige po tita bababa na po." Kinuha ko lang ang cellphone ko atsaka bumaba na. Pagka-baba ko nakita ko si Pipoy na naka-upo na sa sala at nakatingin sa cellphone.
"Ba't ka na andito? tinext na ba kita?" sabi ko sakanya na hindi nya namalayan na katabi na pala niya ako dahil busy siya sa cellphone nya.
"Ay andyan ka na pala." Sabi niya at agad tinago ang cellphone.
"Hindi wala pa ako dito, aparisyon ko lang to." Pambabara ko sa kanya.
"Masama ata gising mo? uwi na lang ako." sabi nito at akmang tatayo na.
"Balik dito" Hindi pa siya nakakaisang hakbang ay bumalik na agad siya sa kinauupuan niya. Ayan ang gusto ko kay Pipoy eh, pag narinig niyang galit ako susundin niya agad ang utos ko. Pero hindi naman ako galit talaga, ginawa ko lang seryoso yung tono ng boses ko para tunog galit.
"Ang sungit mo kasi eh. Ayaw ko pa naman sa lahat yung sinusungitan mo ko eh"
"Hala ang serious mo ah, parang hindi ka pa nasanay. Ba't ka na nga nandito? kakagising ko lang oh, di pa ako nakakaligo, mag-aantay ka lang ng matagal." Ngayon kalmado na ang pagkakasabi ko kasi baka tuluyan na tong maasar sa ugali ko.
"Eh wala din naman akong ginagawa sa bahay eh, kaya naisip ko na puntahan ka na lang dito. Kanina pa kaya ako nag-aantay sa text mo." Bakit ba ang dedicated nitong lalaking to? Wala ba siyang ginagawang iba?
BINABASA MO ANG
The Unexpected You (GayXBoy)
Teen FictionMay mga taong dumadating sa buhay natin nang hindi naman natin inaasahan, pero ang hindi natin alam isang araw sila na ang pinakamahalagang tao sa buhay natin. @2YellowMonster3