T.U.Y-13

2K 59 4
                                    


Chain's POV

"Jusko kuya, hindi mo naman sinabi sa akin na si Chain pala yung nililigawan mo! Kainis ka!" inis na sabi ni Vera nang bumalik si Jeric sa sala na kita mo rin ang pagkagulat sa mukha dahil sa pag-sigaw ng kapatid niya.

"Syempre para surprise!" sabi na lang nito at nginitian ang kapatid niya.

"Oh ano na? kayo na ba? bagal mo rin eh noh! Ewan ko na lang pag pinakawalan mo pa si Chain." sagot naman ng kapatid niya na kinagulat ko naman, so supportive naman pala siya. Naikwento nga pala sa akin dati na nanunuod siya ng videos ko at nakilala din ako ni Jeric dahil sa kanya.

"Hindi ko naman siya minamadali eh, pero syempre hinding-hindi ko na pakakawalan yan." Saad ni Jeric sabay tingin sa akin at may pagkindat pa.

"WAAAAAAAAH!!!!! kinikilig ako kuya, bagay kayo omg!" Sabi nito at kala mo ay nangingisayngisay pa.

"Uy chain nawe-weirduhan ka na ba sa akin? sorry ah, fan na fan mo lang talaga ako. pwede bang pa-picture?" Sabi ulit nito at agad dinukot ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at agad tinapat sa mga mukha namin, buti na lang ready tong mukha ko at agad din akong nakangiti.

"Yun perfect! thank you, gonna post this on ig and twitter!" Natutuwa naman ako pero at the same time ay nahihiya rin ako.

Pagkatapos nun ay sabay-sabay kaming nagmeryenda at nanuod ng movies. Medyo napalagay na din yung loob ko kay Vera kasi ang cool nya lang kasama, siya yung tipo ng babae na malakas ang personality. Yung para bang lahat ng tao ay gugustuhin siyang maging kaibigan dahil halos lahat ay na sakanya na. Kapag katabi ko nga silang dalawang magkapatid ay hindi ko alam kung maiintimidate ako o ano eh, pero dahil nga kwela at kalog sila pareho hindi ko na masyadong naiisip iyon.

"Hi ma, pa!" napalunok ako nang may babae't lalaki ang pumasok sa pintuan. Yung babae ay sobrang sophisticated parang siya yung taong mga hindi mo mahi-hindian hapag nanghingi ng pabor sayo, yung lalaki naman ay kahit mahahalata mong may edad na ay hindi mo pa rin maitatangi ang pagiging matipuno.

Kung sila man ang mga magulang nitong dalawa, masasabi kong ang ganda ng lahi nitong pamilya na to!

Tumayo ang magkapatid mula sa sofa na kinauupuan namin at nakipagbeso, ako naman ay nanatiling nakaupo lamang doon, because I don't know what to do mga bessy!

Pagkatapos nun ay pinauna ng magkapatid pumasok ang dalawa, agad naman napadako ang mga tingin nila sa akin pagkatapos ay nginitian ako nung babae, I don't know if it's genuine or not but one thing is for sure, It's intimidating.

"So I assume you're chain?" sabi nito pagkatapos akong ngitian.

"Yes ma'am, good morning po." sabi ko habang iniisip kung paano itatago ang kaba.

"Drop the formality sweetie, just call me Tita Karen, and this is my husband ben. We're the parents of Jeric and Vera" Napahinga naman ako ng malalim dahil hindi nya pa ako inaalipusta, wait hindi ako judgmental, I'm just afraid na katulad sila ng iba.

"S-sorry po." na tetensyon p rin ako mga bessy, send help! hahahaah joke lang.

"You look so pressured sweetie, stay calm hindi kami nangangain." Mas lalo naman akong napalunok nung sinabi niya yun, jusko naman Lord bakit ba ang transparent ko masyado.

"uhmmmm guys can we continue the chit-chat on the kitchen because I'm really hungry na!" sabat naman ni Vera, Jusko salamat naman at nabreak din ang awkward award! hahah thanks Vera!

"For real Vera? Kakakain lang natin ng snacks pero gutom ka na ulit?" Pambabasag naman ni Jeric sa kapatid niya na ikinangiti ko, buti na lang talaga andito tong dalawang to kundi ewan ko na lang.

"Eh sa malaki ang space ko sa tiyan eh!" sagot naman ni Vera. Malayong-malayo talaga yung personality nya sa itsura iya.

"Stop you two! Pasensya ka na Chain sa dalawang to ah. Let's proceed to tha table na para dun tayo magkwentuhan." Sabi naman nung papa nila.

Pagkatapos nun ay dumiretso na nga kami sa lamesa, madaming pagkain ang nakahain at halatang pang mga maharlika. Katabi ko sa pwesto syempre si Jeric, katapat naman namin si Vera at nasa magkabilang dulo ang mag-asawa.

"I'm glad that I finally meet you Chain! These past few days ikaw lang ang laman ng bibig niyang si Jeric eh." panimula nung papa niya sa usapan.

"Nice meeting you din po tito, tita." sabi ko naman sa mag-asawa.

"Ba't sa akin kuya di ka nagkekwento!" sabi naman ni Vera habang ngumunguya.

"Eh diba busy ka palagi!" sabi naman ni Jeric.

"Pasensya ka na diyan kay Vera ah fan ka talaga niyan, Adik na adik yan sa mga videos mo kung pwede nga lang niyang papalitan yung pangalan niya ng Chain ay baka ginawa niya na eh." sabi naman nung mama nila.

"Hala nakakahiya naman po." sabi ko naman dahil sobrang papuri na ang natatanggap ko

"Anong nakakahiya ka diyan Chain, totoo yung sinabi ni mama noh! Sa lahat talaga ikaw yung pinaka inaadmire ko kaya wag na wag kang mahihiya diyan, dapat nga ako ang mahiya pero dahil makapal ang mukha ko ay hindi na hahahaha." sabi ulit ni Vera, nakakatuwa naman to at ang sarap sa feeling na may mga taong nagaadmire sayo.

"Atsaka Chain kung iniisip mo na hahadlang kami sa inyo ni Jeric then you're wrong, actually ikaw pa lang ang niligawan ni Chain na botong-boto ako kasi hindi ka naman iaadmire nitong magkapatid na to kung masama ugali mo right? and about sa gender, that doesn't matter to us. Love is love and you can't stop kung anong nararamdaman ng anak ko para sayo, okay? so wag ka ng kabahan diyan, I want you to feel comfortable whenever you're in our house okay?" mahabang litanya ng mama niya naikinangit ko at sobrang laking relief para sa akin. Wala naman pala akong dapat ika kaba, thank God.

"Does that make you feel better now?" bulong sa akin ni Jeric, nginitian ko naman siya at tinanguan ko siya.

"Nako tong love birds may pagbulong pang nalalaman." sabat naman ni Tito Ben.

Nagpatuloy lang yung pag-kekwentuhan namin at kahit papaano ay unti-unti ko na ring nalalabas yung totoong personality ko dahil nga sobrang comfortable lang nilang kasama, atsaka kwela din pala ang mag-asawa. Sobrang saya ng pamilya nila, kung magkakapamilya ako gusto kong sana ganito din na katulad sa kanila.

"Kuya hiramin ko muna si Chain ah, doon muna kami sa kwarto ko." sabi ni Vera pagkatpos naming kumain at agad akong hinila papunta sa taas kung nasaan ang kwarto niya.

"Oy ibalik mo sa akin agad si Chain ah, di pa kami nagkakaroon ng alone time!" sigaw naman ni Jeric na hindi na pinansin ni Vera at patuloy lang ang pagpunta namin duon sa kwarto niya.

"Chain can you help me?" sabi agad ni Vera pagkapasok namin sa kwarto niya, ang ganda sobrang minimalist nung disenyo, puti din yung dominant na color at sobrang nakakarelax yung amoy sa loob.

"h-hah? saan?" sabi niya at dumerecho sa kama niya at doon umupo.

"Tara seat here." pagkasabi niya nun ay sumunod naman ako at umupo sa kama katabi niya.

"Sooooo ano na ulit yung maitutulong ko?" tanong ko agad sakanya pag upo ko sa kama.

"Here's my boyfriend and I want you to help me with him." Binuksan niya ang laptop niya at ang nagulat naman ako nang ipakita niya ang litrato ng boyfriend niya.


A/: This Chapter is dedicated to YuukiNakasahima3 ! Thanks sa Comments and votes!


The Unexpected You (GayXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon