T.U.Y-4

3.1K 70 1
                                    

"Anong kakainin mo gurl?" Tanong ni Ley na nasa kaliwa ko ngayon, naglalakad kami at naghahanap ng makakainan. Yung school kasi namin walang canteen, actually meron naman pero sobrang liit ng space at ang mahal ng mga pagkain kaya hinahayaan na lang kaming lumabas ng building. Ayun nga lang mas madaling makakapag cutting ang mga estudyante pero kasalanan din naman ng school yun eh.

"Oo nga bessy, ano bang kakainin natin?" Tanong naman ni Pat na nasa kanan ko.

"Teka ba't ako ba tinatanong nyo?" Sagot ko kasi maski ako di ko alam ang kakainin namin.

"Eh kung siya na lang kaya ang kainin natin?" Malanding saad ni Ley ng may nakasalubong kaming bortang estudyante.

"Go, ako dyan basta lower part ako ah!" Sinakyan ko na lang ang bruha at sabay kaming napatawa hahaha.

"Oy kayong dalawa ah, kelan ang huli nyong simba." Si Pat na nagugulantang sa mga pimagsasabi namin.

"Lord patawarin nyo po itong mga kaibigan ko hindi po nila sinasadya ang mga sinasabi at iniisip nila." Dagdag niya sabay nagsign of the cross pa. Oo, magkakaibigan na kami. Nag- transfer lang din pala to si pat katulad ko, eto namang si Ley ay dito na nag-aral simula pa lang nung elementary. University kasi to kaya mula pre-school hanggang college ay meron. Although di naman marami ang estudyante in fact isang section nga lang per level eh. Kaya kung sino yung kaklase mo last year ay sya pa rin ang mga kaklase mo sa susunod na school year, yan ang sabi ni Ley. Naiba na lang ngayon kasi shs na, mas nadagdagan ang mga tao.

"Oy gaga biro lang naman, di naman kami uhaw." Sabi ko na matawa-tawa pa nang makita ang reaksyon ng mukha ni Pat.

"Ewan ko sainyong dalawa, pero dapat dito tayo nagtatanong kay Ley eh sya kaya ang laki dito. Kabasido nya na nga siguro kung sino ang mga teachers at janitors dito eh." Saad ni Pat. Oo nga naman bakit ngayon lang nya to naisip.

"Truly, kilala ko na lahat sila especially mga janitors at guards hahaha kaya nga madali na lang makapasok kahit walang i.d. eh, pero sige dun na lang tayo kila kuya pete masarap ang samosa at fried cookies dun." Sabi naman ni Ley, ikaw ba naman mag-aral dito mula bata hanggang sa magbinata este magdalaga babae nga pala to si Ley hahahaha.

"Hi kuya pete! Fried cookies nga, padamihan ng chocolate syrup ah!" Nagningning ang mata ko nang marinig ang chocolate syrup, sa totoo lang ngayon ko lang narinig yang fried cookies eh kaya wala akong idea anong itsura nun.

"Oy ley! Long time no see, pagwapo ng pagwapo ah." Sabi ng isang lalaki na nasa 50s na, halatang close sila ni Ley

"Tse kuya pete, magtigil ka nga diyan. Nakakapanindig balahibo pag may nagsasaning gwapo ako." Sabi ni Let at parang kinikilabutan pa.

"Ewan ko sayo hahaha umupo na nga kayo dun ng mga kaibigan mo." Sabi nung kuya pete at umupo na nga kami sa isang lamesa.

"Bessy napapansin ko palaging nakatingin sa'yo yang kaklase nating yan." Sabi ni Pat nang dumating sa kinakainan namin ang grupo ni Earl, kasama nya ang iba naming kaklase at mga lalaking di ko naman kilala o baka mga kaklase nya din nung highschool na old student din katulad nila ni Ley.

"Huh? Hahahaha baka naman sayo nakatingin at hindi sa akin." Kibit balikat kong saad.

"Di nga bessy promise, tapos pag tumitingin ka naman sa kanya ay bigla nyang iiwas ang tingin nya." Aba tong babaeng to kung ano ano ang napapansin at pinagsasabi buti na lang at medyo malayo ang kinauupuan nila at medyo maingay din dito.

"Alam mo, he looks familiar nga eh. Ewan ko kung nakita ko na ba sya sa internet or somewhere." Totoo yan, nung nasa tricycle kami namumukhaan ko sya pero di ko talaga maalala kung saan ko sya nakita eh. Nakalimutan ko na rin isipin kasi nga dahil dun sa unang pagkikita namin, ang lakas nyang manira ng araw.

"Weh bessy? Baka naman sa mga panaginip mo hahahahaha" sabi ng loka.

"Babes pakilala mo naman kami sa mga kasama mo." Sabi ng isang lalaki na lumapit kay Ley na busy sa pagdutdot ng cellphone. Isa sa mga kasama ni Earl tong lalaki na to.

"Chris, wala kang mapapala dito sa mga to. Di to pumapatol sa mga fuckboy katulad mo." Savage pala tong bruha na to. Hahahahaha

Sabay kaming napahagikgik ni Pat at yung Chris naman ay parang napahiya.

"Masyado ka namang selosa babes, alam mo naman na sayo lang ako eh." Aba palaban yung chris, ayaw tumigil kahit napahiya na. Umupo pa sa tabi ni Ley at inakbayan siya.

"Tse, kadiri ah matuto ka munang maglaba ng brief mo bago ka lumandi!" Iritang saad ni Ley at agad din tinanggal ang akbay nung lalaki. Eksena din tong dalawang to eh.

"Tandaan mo babes, akin ka lang." Sabi ulit nung chris at pumunta na ulit sa pwesto nila at nang dating siya dun ay nagtawanan ang barkada niya at inasar pa siya tungkol dun sa paglalaba ng brief. Hahahah

Napatingin ako sa pwesto nila at nagtama ang tingin namin ni Earl pero bigla niya agad tong iniwas at yumukong bigla.

"Sino yun bessy?" Tanong ni Pat kay Ley.

"Wala, wag nyong pansinin yung hinayupak na yun. Kumain na lang tayo, gutom na ko eh" Saktong dumating ang fried cookies namin, oreo lang pala ito na binalot sa pancake mix atsaka pinrito at nilagyan ng chocolate syrup. Ugh my kind of heaven.

"Oy bes hinayhinay lang baka mabulunan ka niyan." Sabi ni Ley, paano ba naman kala mo may contest sa pabilisaan kung kumain ako. Ang sarap kasi mga bes!"

"Shorna masharap kashe eh!" Sabi ko habang may laman pa ang bibig.

"Oh eto smurfs, uminom ka muna." At inabot nya sa akin ang isang kulay blue na inumin. Masarap din kaso di ko maexplain yung lasa.

"Oy bessy wag mong gawing lipstick yang chocolate syrup." Sabi ni Pat at agad inabot sa akin ang tissue. Pero bago ko ipunas ang tissue dinilaan ko muna ang paligid ng bibig ko, sayang yung chocolate eh! Naramdaman ko naman na may nakatitig nanaman sa akin at nang malaman ko kung sino yun ay si Earl nanaman. Pero this time kahit nakatingin na ako sa kanya ay di nya agad binawi ang tingin niya. Sunod-sunod lamang ang pag-lunok niya at parang pinagpapawisan kahit malamig naman dito. Ako na lamang tuloy ang umiwas ng pagtitig dahil ang awkward na kasi.

"Akyat na tayo mga bessy 5 minutes na lang oh." Sabi ni Pat pero bago kami pumunta ng room ay bumili pa ulit ng friedcookies. Hi diabetes, I'm your friend. Hahahahahah

Pagpasok namin ng classroom ay andun na ang teacher namin. Personality development ang subject namin. Ang cool din ng teacher namin na isang psychologist. Gusto ko din sanang maging katulad niya pero takot ako sa mga baliw bes eh!

"Ang assignment nyo lang ay magdala ng classpicture nyo nung elementary, kahit anong grade." Ang sabi niya habang nililigpit ang projector na ginamit niya. Buti na lamang ay natago ko pa yung mga classpictures ko sa isang box.

The Unexpected You (GayXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon