Chain's POV
"Gulong-gulo ang puso, saan ba to patungo, di ko alam, di ko alam."
Badtrip naman tong kantang to oh, bakit ba kasi dito nashuffle? Gusto ko muna sanang umabsent eh, para makapagisip isip at makapag muni-muni. Pero naisip ko din na mas lalo ka lang maisip yung mga narinig ko kagabi. I'm doing my best to shrug it off and not to think about it, baka tamang hinala lang ako or ano pero wala eh, ayon at ayon pa rin ang naiisip ko.
"Chain, almusal na at baka ma-late ka pa." Sabi ni tita sabay pagkatok.
"Opo tita, susunod na." ang hirap sa pakiramdam gumalaw, parang ang bigat bigat ng ulo ko. Pinilit ko pa ring mag-asikaso kasi sa pakiramdam ko makakatulong din yung pagpasok para kahit papaano makalimutan ko pansamantala yung iniisip ko. Ang malaking risk lang sa gagawin kong to ay ang malaking possibility na makita ko si Jeric ngayong araw at hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya o hindi na, hindi ko alam kung magsasabi sya ng totoo o hindi. Pero pano nga kung mali ako? Arghhhhh ang sakit sa ulo.
--------------------------------------------------------------------
"Hoy bessy, anong nangyari sayo kanina ka pa ganyan." sabi ni Pat na katabi ko ngayon, kakadismiss lang nung prof namin at may 20 mins break kami pero mas pinili kong yumuko na lang at magtakip ng mukha sa desk ko. Baka kasi pag lumabas ako eh makita ko pa si Jeric, tho pwede naman nya ko punta kasi diba nasakanya kopya ng reg. card ko pero bahala sya.
"Ah wala to bessy, masama lang pakiramdam ko." Agad naman nya akong hinipo sa leeg at noo at nakita ko ang pagkadismaya sa mukha nya.
"Ako ba pinagloloko mo? Yung totoo kasi bessy, anong meron or should I say anong problema?" Kainis ang bland naman kasi ng reason ko eh, andali tuloy malaman kung totoo o hindi.
"Punta ako sainyo mamaya bessy, oks lang? ayoko muna umuwi sa bahay." Gusto ko lang sya makakwentuhan, ewan ko basta ayoko muna mag-isa.
"Shemay bessy, wrong timing. May pupuntahan ako ngayon. Ugh kainis, cancel ko na lang, muhang mas kailangan mo ko ngayon eh" Napangiti naman ako sa sinabi ng bruhang to'. It just shows na may pake talaga sya saken.
"Baliw wag mo cancel yan, kila Ley na lang ako punta hahaha, Tuloy mo yan bessy ayoko maka-istorbo sayo."
"Bessy, mas mahalaga ka kesa dito kaya oks lang." We all deserve a Pat in our life.
"Promise bessy, okay na ko tapos ituloy mo yang lakad mo kasi anjan naman si Ley. Pag tinuloy mo yan mas lalo akong magiging okay, okay?" Paninigurado ko sa kanya.
"Okay, sabi mo eh. Basta bessy ah, one call away lang akez." Sabi nya pa sabay ngiti.
"Oo na, next time pag wala kang lakad." Sabi ko sakanya at nagpaalam na syamg bababa dahil nagugutom daw sya at sinabi kong di ko sya masasamahan.
Tumingin-tingin ako sa paligid at hindi ko makita si Ley, for sure kasama nya si Chris. Simula nung eksena sa coffee shop di na sila mapaghiwalay. Kaya di na rin ako umasang makakatambay ako sa kanila ngayom
"Kumain ka na ba?" Biglang kalabit nitong si Pipoy saken.
"Di pa, wala kong gana."
"Di pwede, kumain ka kahit onti." Pilit nya saken sabay abot ng fried cookies at kwek-kwek. Di ko na rin tinanggihan, fried cookies ba naman.
"Poy" tawag ko sa kanya habang ngumunguya.
"Po?" Busy sya sa nilalaro nya sa cellphone nya pero magaling naman sya magmulti-task kaya pwede nya pa rin akong kausapin hahahahah.
"Pwedeng pumunta sa inyo mamaya? Tambay lang?"
Napahinto sya sa nilalaro nya at tumingin saken.
"Oo naman, walang tao dun ngayon eh. Pwedeng pwede tayo mag-ingay hahaha."
"Yon hahahaah, derecho tayo sainyo ah. Wala ka bang gagawin ngayon?"
"Wala, hahaha tsaka kahit naman may gagawin ako, ipagpapalit ko ba bestfriend ko? Di syempre hahahah" napangiti ako pero at the same time napakunot noo ko, namimis-interpret nya ata ibig sabihin ng bestfriend.
"Daming alam hahaha pakainin mo ko ah." Biro ko sakanya, pero diba all jokes are half-meant HAHAHAHA
"Parang kanina walang gana ah, pero naubos na yung kwek-kwek tsaka fried cookies? Iba din." Napatawa naman ako sa sinabi nya
"Eh bigay ng bestfriend ko eh, alangan naman sayangin ko?" Hahahahah kala nya sya lang may entry?
"Oo na, papakainin ka na. Gusto mo ako pa kainin mo eh." Akala nya siguro di ko narinig yung huling sinabi nya ah.
"Siraulo ka Poy ah, pinagsasasabi mo." Sagot ko sakanya habang nginunguya ang huling piraso ng kwek-kwek.
"Joke lang naman hahahahahaha akala ko di mo narinig."
______________________________________
"Linis ng bahay ah." Napansin ko kazing maayos ang bahay nila, sa isang townhouse din sila nakatira at nasa pinakadulo yung bahay nila kaya kailangan pang sumakaya ng tricycle para makapunta dito.
"Di umaalis si mama na madumi yung bahay, alam mo naman yun takot sa alikabok."
"Hahahaha siraulo ka talaga, nasan nga pala si tita?" Wala kasing kapatid to si Pipoy, kaya nga kami naging magkaibigan dati eh kasi pareho kaming walang kalaro dahil pareho kaming walang kapatid kaya ayun pinagtiisan namin ang isa't isa.
"May kinita atang mga kaibigan nya. Ano pala gusto mong kainin chi?" Sagot nya habang hinuhubad ang polo nya sa harap ko, agad ko namang kinalkal yung bag ko para hanapin cellphone ko para kunwari may pinagaabalahan ako.
"Kahit ano, di naman ako maarte." Sagot ko habang nakatingin sa cellphone ko, ayaw ko kasing titigan syang naghuhubad dahil A W K W A R D?
"oh edi ako na nga lang kainin mo." Ngayon napatingin na ko sakanya dahil sa sinabi nya at nakaboxer na lang sya ngayon. Inikutan ko sya ng mata at mukhang natakot na.
"Joke lang naman, to di mabiro hahahaha. Tara luto tayo chicken curry? Diba favorite mo yun?" Shet nakuha nya ko dun ah, bigla akong napangiti nung sinabi nya yung chicken curry.
"Pano mo alam?"
"Pagtapos kaya natin maglaro dati, ang lagi mong tanong sa mama mo " maaaa anong ulam, chicken kari?" Sabi nya tapos umasta pabg bata, as if nan ganyan ako magsalita nun.
"Tse! Hahahah may ingredients ka ba dyan?"
"Meron, hahaah easy. Alam ko kasing dadating time na pupunta ka dito kaya dapat laging ready."
"Oh tara luto na tayo, pero magbihis ka muna." Sabi ko sakanya, wala na din akong pake kung nakikita ko syang ganito dapat ako na mag-adjust.
"Mainit chi eh, pwedeng ganto na lang ako?"
"Balakajan, tara na magluto na tayo. Ayusin mo ah."
BINABASA MO ANG
The Unexpected You (GayXBoy)
Teen FictionMay mga taong dumadating sa buhay natin nang hindi naman natin inaasahan, pero ang hindi natin alam isang araw sila na ang pinakamahalagang tao sa buhay natin. @2YellowMonster3