T.U.Y-17

1.8K 60 11
                                    

A/N : Sooooooo here it is guys, siningit ko muna ang kwento ni Ley. Hahahahaha sorry din dahil delayed ang update na dapat ay weekly, sorry talaga. Sobra kasing daming pinagawa sa school tas ngayon naman exam week na. Pero chill lang guys pagtapos netong week na to balik na ulit sa regular na pag-uupdate, at sana maka-update ako ng twice a week...... sana. HAHAHAHAHAH 

Comment and votes are very much appreciated. mwa

 I promised my self that I wouldn't let you complete me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

 I promised my self that I wouldn't let you complete me.

Ley's POV

Ang hirap magmahal ng gago

Pakshet talaga yang Chris na yan, sa totoo lang matagal naman na akong may gusto dun sa abnoy na yun eh, pero anong ginagawa niya saken? Pinagtitripan lang ako ng gago. Sa tuwing sinasabi niya sa akin na may gusto siya sa akin hindi ko naman alam kung seryoso o joke lang. Ang sakit diba? Di mo alam kung siniseryoso ka o ginu-goodtime ka lang, pakshet talaga.

"So ano na ngang balita sa inyo ni Jeric mo?" Tanong ni Pat kay Chain, andito kasi kami ngayon sa isang coffee shop. Hindi na kasi kami masyadong nakakapag-chikahan nito dahil bukod sa masyado ng tambak ang pinapagawa ng mga teacher ay palagi namang kasama ni Chain si Jeric. Alangan naman magthird-wheel kami ni Pat noh?

"Ayun, nanliligaw pa rin. Minsan totoo din pala yung mga horoscope noh mga bessy." Halata naman ang kilig sa mukha ni Chain.

"How does it feel? Nagi-initiate na ba siya na gawin yung something? Feeling ko daks yun si fafa Jeric." Biro ko naman, pero alam ko naman na hindi ganong klaseng bading tong si Chain. Kung may hahangaan akong beks, siguro siya na yun.

"Baliw ka, never been kissed, never been touched tong lola nyo. Atsaka kahit naman mag-initiate siya hindi ko ie-entertain. Tapos feeling ko hindi din ganon na lalaki si Jeric, very wholesome siya pag magkasama kami." Sabi nito na ngiting-ngiti pa. Bakit ganun? Kailangan ko bang maging katulad ni Chain para seryosohin din ako? Gusto ko din maramdaman yung saya na nararamdaman nya ngayon pero gago kasi yung minahal ko eh.

"Edi ikaw na virgin bessy." Sabat ni pat at pare-pareho kaming natawa dahil sa pagsabi niya nito.

"Bakit ikaw hindi na ba?" Tanong ko kay Pat pagkatapos humupa ng tawa namin.

"Oy gaga, virgin pa ko bessy." Sagot naman nito.

"Biro lang gaga, pero alam mo Pat andaming nagagandahan sayo eh hindi ka pa nag-aayos ng buhok nyan ah, paano kapag nag-ayos ka na edi isang batalyon na ang manliligaw mo." Sabi ni Chain pagkatapos ay kinuha ang cellphone dahil may nagtext ata sakanya. Pero totoo nga yung sinabi nya, gaga kasi to'ng si Pat, ni hindi man lang marunong mag-ayos ng sarili pero andaming lalaki pa rin napapatitig sa kanya pag magkakasama kami.

"Hay nako mga bessy, books before boys tsaka fries before guys muna. Ibig sabihin priority ko ang pag-aaral at pagkain. Atsaka yang lovelife naman madali na lang yan, kung dun sa hierarchy of needs ni Maslow nasa pangatlo ang love, sa akin nasa dulo yan." Sagot ni Pat pagkatapos ay sumubo nung pancake nya. Ano bang brilyante ang hawak-hawak nito at kahit anong paglamon ang gawin ay hindi tumataba?

"Busy nanaman si Madam sa boylet niya." sabi ni Pat nang hindi pansinin ni Chain ang sinabi niya dahil busy ito sa pagtetext.

"Hahahahah kung dun sa hierarchy of needs mo nasa dulo ang love, kay chain nasa unahan, baka nga six feet under pa eh." Biro ko kay Chain na ngayon ay napukaw na ang atensyon.

"Mga bruha, si Pipoy yun tinatanong lang kung nasaan tayo." Nakwento na nya sa amin na kababata nya pala si Earl. Ewan ko ba lapitin ng pogi to si Chain pero ang gaga ni hindi man lang napapansin.

"Sigurado ka bang walang gusto sayo yang kababata mo?" Tanong ni Pat dahil simula nung nakwento ni Chain na magkababata pala sila ni Earl ay pinipilit niya na may gusto si Earl kay Chain dahil iba daw tumingin ito kay Chain.

"Oo nga bessy, feeling ko din may gusto sayo yan si Earl. Ganda mo kasi eh!" Eksaherado kong sabi na may kasama pang palong-palong mga gesture na ikinatawa naman nilang dalawa.

"Mga malisyoso talaga kayo, Bestfriends lang talaga kami nun noh. Huwag nga kayong ganyan mag-isip di porket may ka-close na lalaki yung mga katulad namin may ibig sabihin agad." 

"Wow ang serious naman, joke lang bessy. Di mabiro? meron ka ngayon?"  biro ko ulit at nagpatuloy na lamang kami sa kwentuhan. Sa tingin ko first time ko lang talaga magkaroon ng masasabing "bestfriends", oo nga't halos mula elementary hanggang high school ay pare-pareho lang ang mga kaklase ko pero sobrang aarte kasi ng mga babae kong kaklase, ang hirap naman makipag-kaibigan sa mga lalaki dahil di mo alam kung anong trip nila. Buti na lang dumating 'tong dalawang to kundi forever alone na ako.

"Ano palang balak nyong kunin sa college?"Bigla kong natanong dahil sobrang bilis lang ng panahon. Minsan ba naisip nyo rin kung anong mangyayari sa inyo pag tanda nyo? ako kasi palagi ko yang iniisip, kung may makakasama ba ako hanggang pagtanda, kung mamatay ba ako mag-isa, kung hanggang kelan lang ako dito.Yung ibang mga tao na nakakakilala saken, siguto ang iniisip lang nila na mababaw lang yung kaligayahan ko, na for me life is all fun and games. Pero ang hindi nila alam deep inside me, sobrang dami kong iniisip. Masyado na kasing magulo yung utak ko, ayaw ko lang na pati yung buhay ko magulo din.

"Accountancy!!!" sabay na sabi ng dalawa, napangiti naman ako dahil siguradong-sigurado na sila sa kursong kukunin nila.

"Wow mga future CPA pala tong mga bessy ko." masayang sabi ko sa dalawa pero ako, ano kaya ako?

"Bakit ikaw bessy---" hindi na natuloy  ni Pat ang sasabihin nya dahil pare-pareho kaming nabigla nang may pumasok sa loob ng coffee shop pagkatapos ay dumerecho sa amin atsaka ako hinalikan.

Tang-ina talaga netong gago na'to, pero aaminin ko ang sarap ng labi niya.

  "Babes ang sakit naman nun, ba't ka naman nanampal."  sabi ng gago pagkatapos ko siyang sampalin. Kahit nagustuhan ko yung ginawa nya, mali pa rin yun.

 "Kundi ka banaman kalahati't gagi, ba't ka nanghahalik!!!!"  sagot ko dito at nilabas ko talaga yung inner demon ko. Nakita ko naman si Earl na hinila ang dalawa palabas ta naiwan na lang kami nitong unggoy na to.

"Babes sorry, dare kasi yun ni Earl eh." Talaga naman nag-init ang ulo ko nung marinig ko yung salitang dare. Tang-ina kahit kelan talaga di ako seseryosohin nito.

"Putang-ina! ano bang akala mo sa akin, joke?! Feeling mo pwede mong paglaru-laruan yung feelings ko ng ganun-ganun lang?" mabuti na lang at medyo kaunti lang ang tao dito sa shop na to. I'm trying to keep my cool but I can't lalo na't sobrang worthless ng feeling ko ngayon.

"Babes calm down. Alam mo bang antagal-tagal ko ng gustong gawin sayo yun? yung mahalikan kita pero di mo ko magawa kasi everytime na sinasabi ko sayong may gusto ako sayo, hindi mo siniseryoso. Ano bang akala mo? joke lang ang lahat? yung pagtatapat ko sayo ng ilang beses na? Kasi kung oo, nagkakamali ka dahil lahat ng yun totoo!" mahabang litanya nito at this time, sigurado akong seryoso siya.

Wala na akong nagawa kung hindi mapa-iyak na lang at mapahawak sa aking mukha. All this time seryoso pala siya, ako lang pala tong hindi. All this time ako pala ang may mali. Ako pala yung may tingin sa sarili ko ng hindi seryoso.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na tumabi siya sa akin at niyakap ako. Pang pelikula naman pala tong eksena namin.

"Please Ley, this time naman sana maniwala ka. Seryoso ako sayo at sana seryosohin mo rin ako." Ang konti lang ng sinabi niya pero bakit pakiramdam ko nakumpleto na ako?





The Unexpected You (GayXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon