Chapter 1 - Beginning

27 0 0
                                    

Chapter 1 - Beginning

Ba't ang guwapo niya!? - kinikilig na tanong ko sa isipan ko

Kinakausap ako ngayon ng besfriend ko, pero ito ako tulala sa kanya, walang ibang masagot kundi "tango" Ang totoo niyan 'di ko sya masyadong maintindihan. Manhid ba sya o bulag!? Halatang - halata namang may gusto ako sa kaniya, kung makatitig nga ako sa kaniya parang matutunaw na s'ya eh, pero dedma parin sya. At ito tuloy - tuloy parin siya sa pagkekwento "tungkol sa crush niya" Si Santa este si Samantha, ayun yung babaeng karibal ko sa puso niya. Pinagkasundo sila ng magulang nila pero kung umarte sila parang normal lang, 'di sila nag - uusap, nagkikibuan, 'di sila close, dahil kami ang close because we are bestfriend

Kami ang nag - uusap, kami ang close at sweet sa isa't - isa pero si Samantha parin ang gusto niya

Di ko s'ya masisi, maganda talaga si Samantha, sikat sila pareho mayaman sila ni Adam, bagay talaga sila dahil pareho sila ng mundong ginagalawan pero 'di nila kontrolado pero mukhang gusto naman nitong bestfriend kong "ugok" at ito ako isang scholar ng bayan,

"Pok!"- malakas na pagkakauntog ko sa poste

"Araaaay ko..." Sabay himas sa ulo ko. Ang lakas naman yata ng pagkakauntog ko at ang sakit - sakit ng ulo ko para akong nagdive sa swimming pool na walang tubig..

Ayos ka lang ba!? - tanong niya. Imbis na sagutin ko siya tinitigan ko lang siya, naakatitig lang ako sa kaniya at di' iniintindi ang sinasabi niya ang gusto ko lang gawin ay titigan lang ang mukha niya, napakaamo nito, mapupungay ang mga mata niya matangos ang ilong at mamula - mula ang labi, "sino bang hindi maiinloved sa kaniya!". Hindi na ako magtataka kung bakit ako nainloved  sa kaniya, "kung bakit nainloved ako sa bestfriend ko!"

Buong school namin kilala siya at ang pamilya niya. He's only child at wala siyang kapatid kaya ako, ako na ang naging kapatid niya dahil doon sobrang napalapit ako sa kaniya at halos hindi na kami mapaghiwalay. Pero sa tagal ko siyang nakasama nag - iba ang nararamdaman ko sa kaniya unti - unting nagkakagusto na ako sa kaniya higit pa sa pagkakaibigan namin. Lumalim ito ng lumalim hangang sa hindi ko na alam kung hangang paghanga na lang ba itong nararamdaman ko sa kaniya. Itinago ko ito sa kaniya kasi ayaw ko masira ang pagkakaibigan namin. Kaya nakukuntento na lang ako sa patingin - tingin at mga pasimpleng sulyap ko sa kaniya dahil yun lang ang kaya kong gawin. "Ang titigan siya ng di niya alam, ang mahalin siya kahit hindi niya alam"

Sorry guys! kung maikli lang ito pero promise sa mga susunod na chapter hahabaan ko pa para di  bitin okaaayy! :)

MAYBE ONE MORE TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon