Chapter 7 - New Friends

8 0 0
                                    

Nakaupo ako ngayon sa canteen kasulukuyang kumakain. Bigla ko tuloy nami -miss si Adam sya palagi ang kasabay kong kumain eh ngayon mag isa na lang ako nakakawala tuloy ng gana

Biglang may mga  aninong tumapat sa akin. Tatlo silang babae. Yung isa matangkad na maputi at bilugan ang mga mata. Yung pangalawa pandak medyo chubby at singkit napaka - cute niya mukha siyang manikin at yung isa katamtaman lang ang pangangatawan, kayumanggi at may height. They're all pretty

“Pwedeng maki -share ng table? Wala na kasing bakanteng upuan eh” - Tanong ng isa, yung matangkad na morena ang nagtanong

“Sige, okay lang naman” - Ngumiti ako at umusod para magkasya kaming apat

“Salamat” - Sabay - sabay silang tatlo

Ng makaupo na sila nagngingitian lang kami sa una pero pagtagal -tagal nagkapalagayan na kami ng loob  at nagpakilala kami sa isa't isa

“Hi, ako nga pala si Celine. Maliit man sa inyong paningin maganda pa rin” -  pakilala ng singkit at pinakamaliit sa kanila

Nagtawanan naman kami. At sumunod namang nagpakilala -  “Ako  si Gracia 4th year student, sa second floor rin ang room ko katulad mo actually tabi lang tayo ng room kaya madalas kitang makita. Nice to meet you” - at tumingin siya sakin at ngumiti kaya nginitian ko din siya

At panghuli naman - “Hi, ako pala ang pinakamaganda sa kanila ako si Jessica” - maikli niyang pakilala. Sabay tingin kay Celine at Gracia.  Si Jessica ang may kayumangging balat

Ang sama naman ng tingin ng dalawa kay Jessica pero tinawanan lang niya ang mga ito kaya natawa rin ako. Tawanan kami ng tawanan ng mapahinto kami ng biglang magsalita si Jessica

“Sana maging friend ka namin. Mukhang masarap kang kasama magkakasundo rin tayo palagay ko” - nakatingin siya sakin at nakangiti at naghihintay silang tatlo ng sagot ko

“Oo, naman” - sagot ko na medyo nahihiya pero dinaan ko na lang sa pagngiti

At ako nagpakilala  din ako - “Ako naman si Ellaine Kate pero, pwede niyo kong tawaging Ellaine” pagpapakilala ko sa sarili ko

“Kung ganun cheers!” sabi ni Jessica at itinaas namin ang mga baso naming may lamang tubig at nag -toes

“Nice to meet you, nice to meet you!” - sabi namin sa isa't isa

Hindi ako makapaniwalang may mga kaibigan na ako. Totoo nga siguro yung kasbihang “Kapag may umalis, may darating” Mali pala 'yang kasabihan na yan dahil ang totoo “Kapag may umalis, marami pang dadating”

Sabay - sabay kaming lumabas ng canteen habang nagkakatuwaan. Nagkapalagayan na kami ng loob at komportable na kami sa isa't isa. Nagpapaalam kami sa kung sino na ang pumasok sa kaniya - kaniyang classroom hanggang ako na lang at si Gracia ang matira. Bago ako pumasok nagpaalam kami sa isa't isa ni Gracia dahil magkatabi lang kami ng classroom. Pagkatapos pumasok na ako sa sarili kong classroom

-----------------------------------------------------------
Yehey! May friend na si Ellaine. 😂
Pero guys nakakarelate ba kayo?
Iniwan pero may dumating?

MAYBE ONE MORE TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon