Chapter 5 - Farewell
Alam mo bang masakit umasa na balang araw kaya mong suklian ang pagmamahal ko sa iyo. Ayan sana ang gusto kong sabihin sayo---- Habang nakadungaw sa bintana si Ellaine nakatingin sa labas ng bahay nila pinagmamasdan ang patak ng ulan na saksi sa kalungkutan niya
Gusto ko sanang magtapat sayo kaso mas pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan natin, ayokong lumayo ka dahil lang umamin ako sayo. Tsaka alam ko namang may mahal ka ng iba---- Ang daming pumapasok sa utak ko gustong - gusto kong umamin kay Adam, makasama siya palagi kasi bitin ako sa oras na magkasama kami dahil kay Samantha
Alam kung wala akong karapang magselos pero, wala naman akong magagawa kasi ayon ang nararamdaman ko, nagseselos talaga ako kapag nakikita ko silang magkasama. Masaya silang magkasama.
Pwede kayang pahintuin ang pusong magmahal o kaya patilain ito tulad ng ulan?
Kasi ayoko ng magmahal dahil ito man ang pinakamasayang naramdaman ko, ito din ang pinakamasakit kapag nasaktan ka
Tumigil ako sa pag - iyak ng may kumatok sa pintuan
"Ma, kayo pala." - nanlumo akong bumalik sa higaan ko iba ang inaasahan kong dumating
"Anak may bisita ka kasi andiyan sa baba si Adam." - nagulat ako sa sinabi ni Mama
"Talaga, Ma!?" - tanong ko
"Oo." - tipid niyang sagot
Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba
Nakaupo si Adam sa sofa habang kumakain ng tinapay na hinanda ni Mama
Ng makita ako nito bigla itong umayos ng upo
"Hi, ikaw pala." bati ko sa kaniya
"Hi." tipid lang niyang bati
"Napadalaw ka?" - tanong ko
"Yayayain sana kitang mamasyal kung pwede ka." sagot niya
As usual alam na naman niya ang sagot palagi naman akong pwede pag dating sa kaniya
"Oo, naman." sagot ko
Nagpaalam na kami kay Mama. Habang naglalakad kami pareho kaming tahimik na dal'wa
Sigurado akong may problema sya niyaya niya lang akong gumala kapag meron siyang problema. Kaya siguro nakita ko siyang umiiyak sa rooftop
Kaya ako na ang unang nagsalita "May problema ba?" - tanong ko
Pero humarap lang siya sa akin na malungkot ang mukha
Bakit ganiyan siya? Grabe ba ang problema niya!?
Huminto sya sa paglalakad at humarap ulit sa akin
"Pinag - aaral ako ni papa at mama sa america itatranfer nila ako doon."
Biglang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Ano, bakit?
"Pinatigil na rin nila ang kasunduan namin ni Samantha dahil may pinag awayan si papa at ang papa ni Samantha." Umiiyak na siya
Ayon naman ang mga salitang nagpawasak lalo ng puso ko. Kaya hindi ko na napigilan at humagulgol na ako. Hindi ako umiiyak dahil lang sa aalis na siya kundi iyong mga sinabi niya tungkol kay Samantha na hindi niya kaya na mawala si Samantha
Ouch! Ang sakit ng ng puso ko, ang sakit na nitong nararamdaman ko. Mas mahalaga pa pala si Samantha eh bakit niya pa ako pinuntahan, para ano ipamukha niya sa akin kung gaano niya kamahal si Samantha
Matagal ko na iyong alam! Ang hindi ko lang kaya eh yung harap - harapan niya pa sa akin yung sabihin. Pwes, mali siya ng pinuntahan dapat sa bahay nila Samantha siya pumunta
Pinunasan ko ng pinusan ang luha kong pumatak sumasama na rin ang sipon ko sa sobrang kakaiyak ko
Di ko na kinaya tinalikuran ko na siya at mabilis na tumakbo, patuloy pa rin ang pag - iyak ko habang tumatakbo
"Ellaine!" - tawag niya pa sa pangalan ko pero hindi ko na lang pinakinggan ang sinasabi niya ayoko ng masaktan sa mga sasabihin niya
-----------------------------------------------------------
Buhay pa po ako kaya nga po ito nakaupdate ulit hahaha.. Sana nagustuhan niyo po 😂😂😂
Suggest na rin po kayo, pwede po👇
👇
👇
🌟✌✌✌
BINABASA MO ANG
MAYBE ONE MORE TIME
عاطفيةMinahal ko ang ang bestfriend ko Pero madamot ang pag ibig dahil ibang babae ang gusto niya Hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko Lumipas ang maraming panahon, pero siya pa rin ang laman ng puso ko