So nakatambay ako ngayon sa puno ng mahogany dito sa school. Ginagawa ko ang assignments ko, actually hindi ito assignments sa school kundi assignments ko sa sarili ko. I like photography kaya i cut some images sa mga magazine at dinidikit ko yun sa dream notebook ko kasi someday i want to be a photographer
Isa - isa ko silang idinikit na sa tingin ko ay perpect shot. 'Di ko maimagined na someday pagkagraduate ko ng high school at makapag - college at makagraduate posible kayang maging magaling akong photographer. Sana nga
Itiniklop ko na ang dream notebook ko at inilagay sa bag ko at saka tumayo at bumalik na sa classroom ko
1 hours and 30 minutes bago natapos ang klase namin dahil sa haba ng discussion ng teacher naminPagkatapos nito sumabay na ako ng launch kina Jessica. Ako ang naghanap ng mauupuan namin at sila naman ang bumili ng pagkain namin
“Girl ang haba ng pila! My gosh!” - reklamo ni Jessica
“Sinabi mo pa tapos ang bagal pa magserved!” - dagdag pa ni Celine
“Okay lang yan. Kumain na lang tayo” - pag - iiba ko ng usapan
Fried chicken at one and a half rice ang binili nila sa'kin which is 'yun ang binilin ko sa kanila. Gutom na talaga ako kaya linantakan ko na ang pagkain ko. Nalalasahan ko kung gaano ka juicy ang chicken worth it ang paghihintay ko. Kahit naman mahaba ang pila sa canteen masarap naman ang pagkain na itinitinda nila dito kaya masasabi kong sulit ang ipinambili mo
Tahimik kaming kumain, wala munang usap dahil pare - pareho kaming mga gutom. Malaki ang canteen pero mukhang kulang sila ng tao dahil sa sobrang dami namin
Ang kagandahan lang dito ay maluwag at maaliwalas kaya masarap tumambay. Marami itong bintana na transparent ang kulay kaya sobrang liwanag sa loob kahit na walang ilaw maliwanag pa rin kaya habang kumakain ako 'di ko mapigilang iikot - ikot ang mga mata ko kasi nakakarelax ang ambiance kahit na maingay ang tao
“Ellaine tapos na kami” - sabi ni Jessica
“Ah wait, patapos na rin ako” - at minadali ko ang pagkain ko
Nang matapos ako nagyaya si Celine na tumambay muna kami sa garden kasi may 30 minutes break pa naman kaming natitira
Umupo kami sa bench tsaka pinagmasdan ang mga kapwa din naming mga istudyante. Malawak itong garden kaya marami talaga ditong tumatambay
“Alam mo ang gaganda talaga ng mga bulaklak dito” - sabi ni Gracia
Gracia loves flowers kaya nga kahit pang - ipit niya sa buhok ay bulaklak
“Kung di lang bawal mamitas dito, mamimitas ako ng mga bulaklak lalo na mga roses” - tukoy niya sa paborito niyang bulaklak
“Pitas ka ng ma- guidance ka” - pang - uudyok ni Celine
“Sira ka! Ikaw kaya ang gumawa kasi ikaw ang nakaisip” - natatawang suhistiyon ko kay Celine
“Sino namang gagawa 'nun para sa trip!? Siguro yung mga taong abnormal na gustong maging extreme ang buhay nila” - tatawa - tawang nakatunghod ito
Pinagmasdan ko ang dalawang paru - parong naghahabulan. Ang saya nilang tingnan para silang naglalaro ng habol - habulan
Nang magsawa na kami eh nagyayaan na rin kaming pumasok tutal malapit na rin matapos ang break namin diritso kami sa cr para mag - ayos ng sarili namin
Syempre ako polbo lang at ayos na. Pagkatapos eh pumasok na kami sa mga classroom namin. Kaniya - kaniya ng usap ang mga kaklase ko kaya ganun din ako nakipagdaldalan din ako sa mga katabi ko hanggang sa magklase na kami kaya nahinto na kami at nakinig
-----------------------------------------------------------
Charaaaan! Bagong Chapter sana nagustuhan ninyo 😘
![](https://img.wattpad.com/cover/77332025-288-k673150.jpg)
BINABASA MO ANG
MAYBE ONE MORE TIME
RomantizmMinahal ko ang ang bestfriend ko Pero madamot ang pag ibig dahil ibang babae ang gusto niya Hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko Lumipas ang maraming panahon, pero siya pa rin ang laman ng puso ko