Katulad ng usual papasok ako sa school parang may palagi akong nararamdamang kulang kahit andiyan naman si mama at ang mga kaibigan ko, parang kulang pa ako sa inspirasyon
Inspirasyon? Ibig sabihin kailangan ko ulit ng inspirasyon para sumaya. Kailangan ba yun? Pero nasaktan lang ako nung una di ba, kay Adam
Naglalakad ako sa may hallway ng may humila sa sa akin
Ang bilis niyang maglakad hindi ko siya masabayan kaya halos matalisud ako sa bawat paglakad namin. Bigla siyang tumigil at humarap sa akin
“Teka!” - magkasabay pa kami sa pagsabi
“Sino ka!?” - tanong niya
“Sino ako? Eh dapat nga ako ang magtanong niyan sayo! Sino ka ba bakit mo 'ko hinila!?” - tanong ko naman
“Ay sorry miss nagkamali pala ako ng hinila” - pagpapaliwanag niya
Napairap na lang ako sa sobrang inis, tinalikuran ko na siya papaalis ng tinawag niya ako
“Ms, wait... sandali lang!” - tawag niya
“Bakit!?” - masungit kong tanong
“Ililibre na lang kita para makabawi ako” - suhestiyon niya
“Di na kailangan papunta na din ako sa canteen sana, bago mo ko hilahin kanina!” - pagtataray ko
“Ang sungit mo naman kaya nga kita ililibre para makabawi ako” - at tiningnan niya ako sa mata
Di na ako tumanggi ayoko na pahabain ang usapan di ko naman ikakamatay pag pumayag ako pabor pa nga ito sa akin kasi makakatipid ako sa pagkain
Nakasunod lang ako sa kaniya papuntang canteen. Siya na daw ang pipila para sa pagkain namin kaya ako naman ang naghanap ng upuan para samin
Ilang saglit lang dumating na siya dala ang pagkain namin at umupo na ito sa tapat ko
“Salamat.” - pasasalamat ko
“Walang anuman” - nakangiti niyang sagot
“Ako nga pala si Paulo pero pwede mo kong tawaging, Pau”- pagpapakilala niya
“Nice to meet you Pau, im Ellaine” - at nakipagkamay ako
Pagkatapos naming kumain sabay kaming lumabas ng canteen at pabalik na kami sa kaniya kaniya naming classroom
“Ah wait! Ellaine” - tawag niya sa akin
“Bakit?” - tanong ko
“Nice to meet you pala ulit and see you next time!” - ngumiti na naman siya, kapag ginagawa niya yun nawawala ang mga mata niya dahil sa kasingkitan ng mata niya
“Sayo din nice to meet you” - sagot ko
“And see you next time!” - pagbulong ko at naglakad na paalis
BINABASA MO ANG
MAYBE ONE MORE TIME
RomanceMinahal ko ang ang bestfriend ko Pero madamot ang pag ibig dahil ibang babae ang gusto niya Hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko Lumipas ang maraming panahon, pero siya pa rin ang laman ng puso ko
