Chapter 2 - Thinking

18 0 0
                                        

Chapter 2 - Thinking

Gabi na kami ng nakauwi kaya hinatid na lang ako ni Adam sa bahay namin

"Salamat sa paghatid sa akin." May ngiti sa labi ko at di ko maalis ito

Isipin mong hinatid ka ng lalaking gusto mo sa bahay ninyo. Kakakilig

"Syempre alangan namang pabayaan kita. Malalagot ako sa Mama mo kapag may nangyari sayo." - Sabay tawa at napakamot siya sa ulo niya

"Kaya hindi mo kailangang magpasalamat." - Dagdag pa niya

"Ah oo nga." - Sabay tawa ko rin

Ginantihan niya ito ng isang ngiti na nakakapagpapabaliw sa akin

"Sige na pumasok ka na at gabi na." - Sabi niya  tsaka tinuro niya ang pinto ng bahay namin

"S- iiige, pasok na ko." - Sabi ko na lang

"Goodnight."  - Sabi niya

"Goodnight din, ingat ka sa pag uwi." - Sagot ko naman

Pagpasok ko sinulyapan ko uli siya nakita ko na siyang nakatalikod papaalis

Pagpasok ko sa bahay nakita ko si Mama naghahanda ng hapunan naming dalawa

"Hi Ma." bati ko

"Hi anak, sakto ang pagdating mo kakatapos ko lang ihanda ang hapunan natin. Halika na at sabayan mo na akong kumain."- pag - aaya ni mama

Tumabi na ako sa upuan ni Mama at sumandok ng kanin kaso pinalo ni Mama ang kamay ko at magdadasal daw muna kami

Amen

Pagkatapos naming magdasal sumandok na talaga ako ng kanin at kumain na kami. Natutuwa naman akong pinagmamasdan ni Mama

"Bakit Ma may problema ba?" - tanong ko

"Wala naman anak natutuwa lang ako sayo kasi kahit alam kung kumain ka na kasama si Adam kanina ay magana ka pa ring kumain. "- sagot niya

"Eh Mama iba naman yung kanina pati gutom ako. "- sagot ko

Natawa naman si Mama at sinandukan pa ako ng paborito kung ulan na pakbet

Naparami ako ng kain kaya naman ang laki laki ng tiyan ko sa sobrang kabusogan at kanina pa ako dighay ng dighay. Pagkatapos naming kumain tinulungan ko si mama magligpit ng pinagkainan namin pagkatapos umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga

Ng biglang pumasok sa isip ko si Adam

Kinikilig parin ako sa tuwing iniisip kong namasyal ako kasama siya at siya ang naghatid sa akin pauwi, pero nalulungkot naman ako kapag naiisip kong magbestfriend lang kami at iba ang gusto niya.

Si Samantha ang gusto niya inamin niya sa akin ito. Ito 'yung panahon na inamin ng mga magulang niya sa kaniya na ipinagkasundo siya pero, imbis na malungkot natuwa pa ito sa ibinalita ng mga magulang niya kasi nalaman niya na ang ipinagkasundo sa kaniya ay ang babaeng napupusuan niya "Si Samantha".

Parehas kasing mayaman ang pamilya nila, at uso pa rin sa kanila ang arrange marriage

Noong una hindi ako makapaniwala kasi ang akala ko may pagtingin din siya akin dahil sa ipinapakita niya sa akin at sa pagiging mabait niya. Ayon pala kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin at si Samantha talaga ang gusto niya pero nagpapasalamat pa rin ako kasi matalik kaming magkaibigan napapagsasabihan niya pa rin ako ng mga saloobin niya at bukod sa lahat nakakasama ko siya ng madalas kahit hindi niya alam ang pag - ibig ko sa kaniya at hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko para sa kaniya

Dumungaw ako sa bintana at nilanghap ang hangin na tumatama sa mukha ko, pinagmasdan ang mga bituin sa langit.  Humihiling na sana balang araw, isang araw ako na ang minamahal niya

Hi guys, sana nagustuhan niyo ang update ko :)

MAYBE ONE MORE TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon