Chapter 3 - Jealous

16 0 0
                                        

Chapter 3 - Jealous

Maaga akong ginising ni Mama linggo kasi ngayon kaya magsisimba kaming dalawa. Sinuot ko ang kulay green na dress na binili ni mama sa akin

Tumingin ako sa salamin at tiningnan ang itsura ko, mukhang bagay naman sakin. Bumabagay ito sa maputi kong kulay

Pagbaba ko naabutan ko si Mama na naghahanda na ng almusal namin, bihis na rin siya at mukhang ako na lang yata ang hinihintay, ng makita niya ako bigla itong ngumiti at sumenyas na maupo na ako para kumain. Ginawa ko naman ito at umupo ako katabi niya at magkasalo kaming nag - almusal

Nagkukuwentuhan kami habang kumakain kinikuwento ni Mama noong bata pa ako kung gaano ako kalikot ngayon daw ay dalagita na daw ako kay bilis nga naman ng panahon. Ayon ang sabi ni mama

Pagkatapos naming kumain ay nagligpit na kami ng pinagkainan at ng matapos lumabas na kami at sumakay na papuntang simbahan

Di magkamayaw ang tao sa simbahan sa sobrang dami parito't paroon sila,  di mo alam kung saan patungo ang mga ito. Samantalang nakahawak lang ako sa kamay ni Mama

Pagkapasok namin sa simbahan naupo kami at taimtim na nagdasal ng may maaninag akong pamilyar na tao kaya tinawag ko ito

"Adam!"- tawag ko dito

Nakasuot siya ng dark blue polo na bagay na bagay sa kaniya nagmukha siyang lalaking - lalaki. Nakaluhod siya at taimtim ding nagdadasal

Pero pinagalitan ako ni Mama huwag daw akong mag - ingay sa loob ng simbahan kaya nanahimik na lang ako at hinintay na matapos kami

Paglabas namin nakita ko agad siya bumibili ito ng cotton candy lalapitan ko sana kaso may nauna nang lumapit sa kaniyang babae. Si Samantha pala ito.  Kasama nila ang mga magulang nila sabay pala silang nagsimba

Nag - iba na lang ako ng direksiyon sinamahan ko na lang si mama bumili ng sampaguita at sumakay na kami para umuwi

Nakadungaw ako sa bintana ng sinasakyan namin dahil nakatigil pa naman ito at naghihintay pa ng ibang pasahero. Ng makita ko sila Adam at Samantha na magkahawak kamay at sweet na sweet sa isa't isa parang may dinurog sa loob ng dibdib ko, pati  parang nakakaramdaman ako ng inis

Biglang dumako ang tingin ni Adam sa amin kaya nakita niya ako. Kumaway siya sa akin, di ko siya pinansin kasi naiinis ako. Bagkus ay nag iba na lang ako ng tingin

Umaandar na ang sinasakyan namin kaya sinilip ko silang dalawa kitang - kita ng dalawang mata ko kung paano kahigpit ang kapit ni Samantha sa braso ni Adam. Nanikip ang dibdib ko at para akong hindi makahinga, nagtutubig na din ang mga mata ko

Hangang sa tuluyan na kaming makalampas sa kanila. Kinagat ko ang pang - ibabang labi ko at kinuyom ko ang kamay ko para hindi na tumulo ang luha ko 

-----------------------------------------------------------

Selos!? hahahah 😂

MAYBE ONE MORE TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon