Chapter 6 - Goodbye
Pag - uwi ko sa bahay takang taka si Mama sa itsura ko namumugto at lumuluha ang mga mata ko
“Anong nangyari sayo. Nasaan na si Ad---” Di na niya natuloy ang sasabihin niya dahil inunahan ko na siya
“Akyat na po ako sa kwarto ko” - At mabilis akong naglakad paakyat ng hagdan
Pagpasok ko sa kwarto ko agad akong nagdive sa kama at isiniksik ang mukha ko sa unan at tsaka umiyak ng umiyak. Pinalo ko rin ang kama ko doon ko nilabas lahat ng sama ng loob ko
Nangmahimasmasan ako naisip kong di ko matitiis si Adam at dapat magpaalam ako sa kaniya
Kaya kinuha ko ang bagpack ko at mabilis na lumabas ng kwarto
Nakita ko si Mama nakaupo sa sala. Tinanong niya ako kung saan ako pupunta
“Saan ang punta mo!?” - Gulat ito ng makita akong tumatakbo
“Kina Adam po” - Sagot ko at mabilis na akong lumabas ng bahay
Pagkalabas ko ng bahay pumara ako ng sasakyan
Habang nasa biyahe ako kabado ako habang ngina- ngatngat ko ang mga kuko ko sa daliri baka anong isipin ni Adam kasi bigla na lang akong nagtata takbo at nilayasan siya
Bahala na basta makapagpagpaalam ako sa kaniya, magkaibigan pa rin naman kami at yun ang importante at hindi ang nararamdaman ko
Ng nasa tapat na ako ng bahay nila agad akong pumara at mabilis na naglakad papunta sa bahay nila Adam
Kabado man ako, huminga na lang ako ng malalim tsaka nagdoorbell
Lumabas ang katulong nila. Agad akong kumapit sa gate. Ito na ang chance kung makausap si Adam
“Ate andiyan po ba si Adam, pakisabi naman oh nandito si Ellaine. Pakisabi gusto ko lang siyang makausap”
Pero nadismaya ako sa sinagot niya “Ah kakaalis lang nila. Ngayon kasi ang flight niya”
Napahawak na lang ako sa puso ko sa sobrang dismaya na nararamdaman ko
“Sige, ate salamat po” - sagot ko at tumalikod na ako papaalis sa bahay nila Adam
Di man lang ako nakapag paalam sa kaniya mas inuna ko pa ang damdamin ko. May pagkakataon na akong magpaalam sa kaniya sinayang ko pa!
Babalik pa kaya siya?
-----------------------------------------------------------
Hayyy. Naku ganiyan din yung tanong ko dati eh. Pero di na kami nagkita ulit. Hahaha relate much naman ako 😂
Comment
BINABASA MO ANG
MAYBE ONE MORE TIME
RomanceMinahal ko ang ang bestfriend ko Pero madamot ang pag ibig dahil ibang babae ang gusto niya Hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko Lumipas ang maraming panahon, pero siya pa rin ang laman ng puso ko
