Chapter 4 - Tears
Nasa biyahe ako ngayon papunta sa school at nakatulala sa bintana ng sinasakyan ko pinapanood ang daloy ng mga sasakyan at tao sa paligid
Ng makarating na ako sa school bumaba na ako sa tapat ng gate ng school nakikipagsabayan ako sa paglalakad ng mga ibang estudyante.
Narating ko ang pasilyo sa unang palapag ng school namin, marami akong nakikitang naglalakad iba - iba sila ng direksiyon depende kung saan ang classroom nila, na sa pangatlong palapag pa ang classroom ko kaya mahaba - haba pa 'tong akyatan sa hagdanan. Ng nasa pangatlong palapag na ako nagpunta na ako sa classroom namin umupo sa pinakadulo kung saan ako nakaupo
Nandito na ang ibang kaklase ko at andito na rin ang teacher namin. Nagsusulat na siya blackboard ng lesson namin para sa araw na to
Bigla akong napatingin sa upuan ni Adam na bakante ngayon, ba't wala pa kaya siya ngayon? Sana naman wag siyang magpa -late
Kulang na lang pumunta na ako sa pinto at lumabas at hanapin si Adam kanina ko pa tinitingnan ang pinto inaabangan kong pumasok si Adam, pero ilang minuto na ang nakakaraan 'di pa rin siya dumadating
Aabsent kaya siya. Baka may sakit siya kaya 'di pa siya napasok. Kaya hindi na ako nakatiis at nag - excuse ako sa teacher namin
"Ma'am mag - ccr lang po ako." - paalam ko
"Sige, basta bilisan mo magsisimula na ang klase." - Tumango na lang ako bilang pagsang - ayon
Lumabas ako dala - dala ang pag asa na makikita o makakasalubong man lang si Adam. Sana wala siyang sakit tulad ng iniisip ko dahil kung hindi mag - aalala talaga ako sa kaniya ng sobra
Bumaba ako ulit sa unang palapag at sana mabilis ko lang mahanap si Adam dahil pag nagtagal ako magtataka ang teacher ko kung bakit ang tagal kung mag - cr
Silip doon, silip dito ang ginawa ko makita lang si Adam pero kahit anino niya hindi ko nakita.
Adam please, where are you!?
Pagliko ko sa kabilang pasilyo bigla akong nakarinig ng yabag ng naglalakad kaya nagmadali akong magtatakbo papunta sa kung saan nanggagaling ito.
Para akong nabunutan ng tinik ng makita kung naglalakad palapit sa akin si Adam
"Saan kagaling!? Bakit ngayon ka lang..." - sunod sunod na tanong ko sa kaniya
"Late ka na sa ginagaw----" di ko natuloy ang sasabihin ko kasi nilagpasan lang niya ako
Ano bang problema?
"Adam wait!." At hinabol ko pa rin siya
Sinundan ko siya hanggang makararing siya sa rooftop, wait----! Rooftop! Teka hindi ito ang papunta sa classroom namin. Anong gagawin niya dito?
Adam sandali lang, ano bang gagawin mo dito? Late na tayo pareho
Bigla siyang umupo at tumanaw sa malayo. Bigla itong humikbi kaya tiningnan ko ang mukha niya napahawak na lang ako sa bibig sa sobrang gulat. Umiiyak siya! Ngayon ko lang siyang nakitang umiyak
-----------------------------------------------------------
Di po talaga ako magaling magsulat pero pagbigyan niyo na po hehehe.. Dont forget to vote 👉🌟👈 and comment 💬😉
BINABASA MO ANG
MAYBE ONE MORE TIME
RomanceMinahal ko ang ang bestfriend ko Pero madamot ang pag ibig dahil ibang babae ang gusto niya Hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko Lumipas ang maraming panahon, pero siya pa rin ang laman ng puso ko
