Chapter 8 - Sa Bahay

2 0 0
                                    

Pagkatapos ng klase umuwi na ako ng bahay. Naabutan ko si mama nanonood ng tv sa sala

“Hi, ma!” - bati ko

“Oh andiyan ka na pala. Yung meryenda mo na sa lamesa” - sabi nito at bumalik na sa panonood ng tv

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis

Pumunta ako sa lamesa para kuhain ko ang meryenda ko, bilo - bilo ang paborito ko echos lahat naman talaga paborito ko basta pagkain, ito rin pala ang kinakain ni mama. Tumabi ako sa kaniya at nanood din ng tv. Telenovela na naman ang pinapanood ni mama i mean koreanovela, pati si mama nahuhumaling na sa mga koreano. Eh ako di masyado eh pero nanonood pa rin ako

Pag - dramatic na ang scene diyan na kami mag uumpisa ni mamang umiyak, tapos kikiligin pag to the rescue yung lalaking bida

Para kaming sira hook na hook kami at pagkatapos ng palabas nagligpit na kami ng pinagkainan namin at si mama ang naghugas

Ako nagkakalikot lang ako ng cellphone ko naghahanap ng pwede kong malaro at napagdiskitahan ko yung angry bird, eh wala eh! walang ibang laro dito kundi ito lang, sa susunod magdodownload ako

Bigla akong nakaamoy ng mabangong amoy nagluluto na si mama ng hapunan cornbeef ang niluluto niya, isa sa mga paborito kong ulam. Gustong - gusto ko yan lalo ng may kasamang patatas napaparami talaga ang kain ko

Lumapit ako kay mama at nagtanong kong anong niluluto niya kahit alam ko na

“Ma, ano yan?” - at umakbay ako kay mama

“Syempre ang paborito mong walang kamatayang cornbeef!” - sagot niya at hinalo - halo ito

“Grabe ka naman ma, masarap naman ah!” - protesta ko

“Syempre masarap, ako nagluto eh” - pagmamalaki niya

“Tikman mo” - at naglagay siya ng konti sa sandok at ipinatikim sakin

“Ma, ang sarap, ang galing mo talaga. Approved!” - at nag - approved sign pa ako

“Sige na maghanda ka ng plato't kutsara sa lamesa” - utos niya

“Sige po” - at nag punta na ako sa lamesa para mag asikaso

Kakain na kami busog na naman ang mga alaga ko sa tiyan

Natapos na akong mag - ayos ng lamesa, nakuha ko na ang mga kailangang kuhain. At ang pinakahihintay ko nilapag na ni mama ang cornbeef sa lamesa, umupo ako agad at sinabayan si mama sa pagdadasal at nag - umpisa ng magsandok syempre kailangan maraming kanin, di ko naman kailangang magdiet di naman ako tabain payat lang ang pangagatawan ko at never tumaba kahit ang lakas kung kumain

Pagkatapos ng hapunan eh ako na ang naghugas, tapos umakyat na ako para magsepilyo ng matapos ako humiga na ako sa kama at pinagmasdan ang mga glow in the dark na star na nakadikit sa kisame ng kwarto ko. Ang kikinang nila ang ganda sa mata, binibigyan nila ng liwanag ang kwarto ko para hindi masyadong madilim, hindi kasi ako nakakatulog dati na patay ang ilaw kaya naisip ni mama na bilihan ako ng mga glow in the dark na mga star kasi 24 hours kasing bukas ang ilaw ko sa kwarto kaya madalas kaming napupundihan at malaki ang konsumo ng kuryente

Ngayon nakakatulog na ako ng mahimbing.

-----------------------------------------------------------

Hay parang yung kada chapter ko feel ko parang sa totoong buhay lang. Di ko alam kung saan ko nakukuha pero sana nagustuhan niyo. ☺

MAYBE ONE MORE TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon