Angelo's POV
I'm on my way to Westbrook University.
May aasikasuhin lang ako doon. Pinatawag kasi ako ng Head ng Engineering Department.
Oo, Engineering ang degree na kinukuha ko. Actually, hindi ko talaga gusto yung Engineering. Hindi ko pangarap na maging Engineer. Gusto sanang maging isang Piloto. Pinilit ako ng tatay ko na maging isang Engineer dahil sa hindi niya ito natapos nung nasa college palang siya.
Mahirap lang kasi ang buhay ng pamilya ni tatay dati pero dahil sa pagsisikap ni tatay, Naiahon niya sa kahirapan ang pamilya niya.
Tsaka, mahal ko yung tatay ko kaya kung anong gusto niya susundin ko. Actually, napamahal na rin ako sa Engineering. Fourth year na ako rito.
Ako nga pala si Angelo James Lopez. 20 years old. Isang Engineering student sa Southside University. Gwapo, matipuno pero simple lang.
Papunta na akong parking lot ng Westbrook University.
Ang ganda ng University na to. Malalaman mo talaga na pang mayayaman ito dahil sa Structures palang ng mga building, ibang klase parang building sa abroad. Ang daming ibat't ibang malalaking building ng kada Courses.Ang kagandahan ng University nato ay ang pagmaintain ng mga century old na mga puno. Tsaka sa tingin ko nature lover ang University. Maka-kalikasan.
Sa kakacompliment ko sa University na to, nawala ko na ang daan papuntang parking lot. Hay! Malas not now, please.
Magtatanong nalang siguro ako sa madadaan kong estudyante.
Umikot na ulit ako para makahanap ng matatanungan kung saan yung parking lot.
Luckily, may nadaanan akong babaeng naglalakad kaya huminto ako at binuksan ang bintana.
"Excuse me miss, magtatanong sana kung saan yung parking lot?" Tanong ko sa kanya.
She gave me a boring look and walk away.
Aba! Bastos, tinanong ko ng maayos pero hindi man lang ako sinagot. Kung gaano kaganda ang University na to ay iyon naman ang pagkapangit ng ugali ng mga estudyante dito.
Pagminamalas ka naman o!
Ako na nga lang maghahanap. Saan kaya nagtatago ang parking lot?After a few minutes later...
SALAMAT AT SA WAKAS!!Nahanap na rin kita. Nandito ka lang pala, PARKING LOT KA!
Pinark ko ang kotse ko. Pinatay ko ang makina at inaayos na ang mga gamit na dadalhin ko para sa meet up namin ng Head mamaya.
Sabay sa pagangat ng ulo ko. May natanaw akong dalawang tao sa di kalayuan. Nagbabangayan ang mga ito. MagCouple ata na nagaaway.
Huwag muna kasi magrelasyon kung hindi pa handa. Hindi lahat ng relasyon masaya minsan nakakasakal din kung hindi kayo compatible sa isa't isa. Kung hindi kayo makakaintindihan magaaway at mag aaway din kayo niyan hanggang sa magkalaboan at mauwi sa hiwalayan.
Ang lalim non ha. May pinaghuhugutan ata ako.
HahahaPababa na ako ng kotse nang pagtingin ko ulit sa kanila nagulat akong natumba ang babae. Hala! Foul yun! Bawal ang physical contact kapag nagaaway. Easy lang bro.
Pagtingin ko sa babae, ang pamilyar ng mukha niya parang nakita ko na kung saan.
Tumayo ulit ito at nagpatuloy sa pagbangayan sa lalaki. Pinabayaan ko nalang sila. Wala naman akong manners kung makikinig ako sa away nila. I'm not an eavesdropper!