Chapter 6: Headache

17 2 0
                                    

Maggie's POV

Papasok na akong gate ng school. Chineck ko yung paligid baka kasi may makita akong ikakasira ng araw ko. Mabuti nalang na wala.

"Haay! Coast is clear." Sa isip ko.

Paliko na ako ng hallway papunta sa classroom ng first subject ko. Bigla ko nalang narinig ang mga hiyawan ng mga babae.

"Kyaaaaaaah!" Sigaw ng isa.

"OMG! Ang pogi talaga niya!" Girl 2.

"We Love You Donny!" Sigaw ng lahat ng babae.

"Ano ba yan ang iingay! Pwede ba tumigil na kayo." pabulong na sabi ko.

But wait! Tama ba yung narinig ko? Donny? As in Donny Dela Rosa?

Tiningnan ko yung nasa likod ko kung tama nga ba talaga yung narinig ko kanina sa mga sigawan ng mga babae.

Yung taong ayaw na ayaw kong makita ngayong araw ay siya pa yung unang makikita ko! Ano ba yan?! Ang tadhana talaga oh! Mapaglaro!

Naglakad ako ng mabilis palayo sa kanila at balak ng dumiretso ng classroom.

Pero napahinto ako ng may tumawag ng pangalan ko.

"Ano ba?! Malalate na ako oh! Sino ba yun?" Sa isip ko.

Tinanaw ko yung sinong mokong ang tumawag sakin. Nang maaninag ko yung mukha ni mokong. Laking gulat ko na si Donny pala.

Sheeet of paper naman! Bakit niya ako tinawag? Bakit ang sama ng tingin niya sakin? Tungkol parin ba yun sa kape? Ang babaw naman masyado ng rason niya.

Ang tagal niya naman magmove on doon sa nangyari!

Hindi ko pinansin at tinalikuran. Binilisan ko ang paglakad ko palayo sa kanya para hindi niya ako mahabol. Baka ano pa gawin nun sakin eh! Tsaka konting minuto nalang malalate na ako.

What a malas day for me naman! Second day malalate ako? No way!

Halfway nalang at malapit na akong makarating sa classroom nang biglang may humatak ng balikat ko at sa paglingon ko si mokong ang humatak sakin.

Hindi maipinta ang mukha ni Donny nang nilingon ko siya. Kahit si Van Gogh di ata kayang ipinta ang mukha ni mokong.

"Why are you running away from me? Do you think I can't chase you? " tanong nito sakin at napasmirk ito.

"I-I'm not running away from you." bakit ako nauutal?

"Yes, you are! I saw you a while ago running away from me." Pagdidiin niya.

Ano ba problema nito? Wala naman akong ginawa sa kanya niya ah. He's just wasting my time. May klase pa akong dapat hahabulin!

Inalis ko yung pagkahawak niya sa balikat ko at nagsimulang maglakad ulit papunta ng room. Pero sabay ng pag-hakbang ko ng paa ay hinawakan niya ng mahigpit yung braso ko at hinila palayo ng room.

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya.

Pero dedma lang ako kay mokong. Hindi niya pinansin at patuloy lang siya sa paglakad niya.

"May problema ka ba? Narerealize mo ba yung oras? Malalate na ako oh!" pagmamaktol ko.

Sinigaw ko ng paulit ulit ang pangalan niya pero dedma parin. One last try nalang at...

The Clumsy Coffee Girl[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon