Chapter 4: My Hero

10 2 0
                                    

Konting oras nalang at matatapos na rin ang last subject ng klase namin.

"Class, Make sure that you copied all the notes written on the board. Good bye and thank you. See you again tomorrow." Sabi ni Miss Salazar yung Genetics teacher namin.

Nagmamadali akong kumopya sa notebook ng mga notes. Ako yung pinakahuli na kumopya dahil hindi ako nakikinig kanina. Malalim yung iniisip ko. Huwag niyo nang alamin. Stress ako. Nagulat na nga lang ako na may kinokopya na pala sa board.

Nagsiglabasan na ang mga kaklase ko. Ako nalang natitira dito! Huhuhuhu

"Maggie, its getting late na. My driver is waiting for me at the gate. You should go home na rin. I'll send you nalang the pictures of the notes later. See you tomorrow!" Sabi ni Stella.

"Thank you, Stella. Ang bait mo talaga!" Sabi ko.

"That's what friends are for!" Pagkanta nito.

Nauna na umalis si Stella sa room. Naiwan akong nagaayos ng gamit.
Habang nagaayos ako, may napansin akong tao na natutulog sa corner nang room. Nakacover yung ulo niya ng sweater.

"Kuya?!" Tawag ko.

"Kuya?! Gising po! Baka malock po kayo dito kapag hindi kayo nagising diyan!" Banta ko sa kanya.

Umangat siya ng ulo at tumingin sa akin.

At.

At..

At...

Si Donny!

"Tsk!" Sabi nito.

Tumayo siya at umalis kaagad. Iniwan niya ako. Pero bat feeling ko hinintay niya ako.

'Haay nako Maggie! Tama na ang pagdradrama mo diyan! Umayos ka para makauwi kana. Sige ka papagalitan ka ni Mama mo.' Sa isip ko.

Sino ka ba para hintayin niya? Ambisyosa ka talaga. Tigilan mo na yan si Donny! Monster yan.

Bago ako umalis ng room, pinatay ko muna yung aircon tsaka yung mga ilaw at nilock yung pintuan. Sabi kasi ni Miss Aragon samin, ang huling umuwi o lumabas ng room ay siyang papatay ng aircon at mga ilaw tsaka siya na rin ang maglolock ng pinto.

Nang matapos na ako sa paglock ng door. Dumaan muna ako sa locker para iwan yung mga extra na libro at kumuha narin ako ng mga gamit na kailangan kong pag-aralan sa bahay.

Ilolock ko na sana yung locker ko nang may naramdaman akong may tumakbo sa likod ko at nagulat ako nang mahagip ako ng isang babae na tumatakbo rin. Nalunod ako sa alon ng mga babaeng parang naghahabol sa Idol nila. Parang mga Crazy Fan Girls. Sino ba yang hinahabol nila? Tsk! Pati tuloy ako nadamay.

Hindi ako makaalis kasi ang dami nila masyadong crowded. Nababatukan ang ulo ko, nasisiko ang tyan ko at naaapakan na ang paa ko dito.

Malapit na sana akong makawala sa gulo ng mga babae nang may biglang tumulak sakin pa balik sa gitna. Naout of balance ako kaya nadapa ako sa mga paa nila. Ramdam ko yung pagtatadyak nila sakin.

'Hindi ba sila aware na may tao dito? Ang brutal nila! Huhuhuhu.' sa isip ko.

Naiiyak na ako. Parang battered wife ako dito na sinasaktan. Hindi na ako makahinga ng maayos dahil nga madami silang nakatumpok at nakaapak sakin. Pakonti-konting nauubos na ako ng hangin sa katawan. Lumalabo na yung patangin ko. Hindi ko na kaya! Iyak lang ako ng iyak! Baka atakihin ako ng asthma ko dito. Pero huwag naman sana.

Tinry kong sumigaw pero ang ingay ng hiyawan at tilian nila kaya di ako naririnig ng iba. Sinubukan ko ring tumayo pero masyado nanghihina na ang katawan ko.

The Clumsy Coffee Girl[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon