Chapter 8: Memories

19 2 0
                                    

Maggie's POV

Nagulat ako na yung kausap ni mama kanina ay si Angelo pala.

Bakit kaya siya naparito? kaclose niya kaagad si mama. Ang bilis naman kung ganoon

"Hi Angelo, naparito ka?" panimula ko.

Nakita kong na nagkatinginan si mama at si Angelo. Anong meron?

"A-ano kas--" naputol ang sasabihin ni Angelo nang magsalita si mama.

"Maiwan ko muna kayo. Punta muna ako sa kusina at ipaghanda narin kita anak ng meryenda." sabi ni mama.

"Ma, huwag na po ma. Aalis na ako, malalate na ako sa afternoon classes ko eh." sabi ko kay mama.

"Afternoon classes? Pinaexcuse na kita sa adviser mo." sagot ni mama sakin.

"Huwag kanang pumasok Maggie. Mapapasama lang yan sa kalagayan mo tsaka you need some rest pa." sabi ni Angelo na kanina'y tahimik lang.

Tiningnan ko silang dalawa. Nalilito na ako sa kanila. Ano ba talagang meron?

"Ma, pakiexplain po kung bakit ayaw niyo akong papasukin eh hindi na nga po ako pumasok kaninang umaga. Napasarap po ata ang tulog ko ni hindi niyo nga po ako ginising." pagrereklamo ko kay mama.

Eh sa gusto kong pumasok. Mabuti nga yon kesa naman sa tatamarin akong pumasok sa school. diba guys?

I got conscious? No, hmm, curious because mama and Angelo meaningfully looked at each other again.

I sighed deep para makaramdam sila na nalilito na ako sa titigan moments nila. Then, Angelo finally had the guts at ikinuwento niya sa akin ang nangyaring incident between me and Donny.

Tsaka ko lang naalala ang mga nangyari, I was forcefully pulled by that bastard at masyado siguro ako na stress. Kaya ang resulta nahimatay si ganda.

Agaran naman akong nahiya kay Angelo. It was my second time to be saved by this guy and feeling ko kulay kamatis na ang mga pisngi ko, "T-thank you, Angelo..

I sincerely uttered. "H-hindi mo naman kailangan-",

"I had to." He winked, "Pero I do have to go na din."

He faced mama and, "Tita.." he said in a goodbye tone.

"Sige, hijo. Mag ingat ka." nuon na lamang nakapagsalita si mama,

Bumaling ulit siya sa akin, "Bye, Angelo."

"B-bye..." i don't know pero iba yung feeling ko, nahihiya ako sakanya sobra.

Tuluyan nang umalis si Angelo. Hinatid siya ni mama hanggang sa gate samantalang ako tuliro parin sa nangyari. I can't believe that he actually saved me again.

Grabe talaga ang tadhana napakagaling ng timing.

Umakyat na ako pataas upang dumiretso sa kwarto. Humiga ako sa kama at siguro magphophone nalang muna ako. Wala naman kasi ako dito magawa.

Mas okay pa nga kung nasa school. Makakapagsocialize kapa sa mga students at madaming kapa dun magagawa. Tsaka kung nandidito lang sana si Ate eh. Okay pa!

Yup! tama kayo sa pagbasa. May ate ako, step sister to be exact. After ng ilang years na namatay yung papa ko ay nangasawa ulit si mama. Maswerte nga ako kasi tinanggap ako ng open arms ni Papa Alejandro. Siya yung bagong asawa ni mama. At the same time, balo rin si papa. May anak din siya na babae at halos magkasing edad lang din kami pero 11 months lang gap namin kaya tinatawag ko siyang ate. Sa States siya nagaaral kasama si papa. Gusto niya kasing mag-aral sa abroad para mapursue ang pangarap niya. Gusto niyang maging isang Fashion Designer plus maganda si ate. Pwede nga rin siya nalang yung Model ng mga gawang damit niya. As in, napakaganda talaga ni Ate para siyang dyosa.

The Clumsy Coffee Girl[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon