Chapter 1: Kabayong Bunjing

40 2 0
                                    

Krrrrriiiiiiiiiiiinnnngggg

5:00AM

Pinatay ko yung alarm ko at bumangon na. Inayos ko muna yung kama, kumuha ng damit at dumiretso na sa banyo para magbihis at magayos ng sarili dahil magjjogging kami ni mama. Daily routine ko na ito. Dapat sakto lahat ng ginagawa ko. Walang labis, walang kulang.

Pagkatapos ko mag ayos, bumaba na ako para kumain.

"Good morning, mama!" Bati ko kay mama nang makita ko siya.

"Oh! Anak, nandiyan kana pala! Tara na para makapagjogging pa tayo. Excited na ako oh!" Excited na sabi ni mama.

Everyday na kami nagjojogging ni mama simula nung nagsummer break pinadiet at pinaexercise na niya ako para pumayat ako. Sinasabi ko sa inyo, MAHIRAP PERO MASAYA! kasi sasaya ka nalang sa pagbabago ng shape ng katawan mo. Gulat nga ako nung sinukat ko yung waist line and yung bigat ko. Laking pagbabago ang nangyari sakin. There's no word that can explain how happy I am.

After namin magayos, lumabas na kaagad kami for a daily jog.
Nilibot namin ang buong subdivision.

Nung natapos na kami ni mama magjogging. Naglalakad kami patungong bahay. Nang madaan namin ang isang Coffee Shop.

"Mama! Mauna na po kayo sa bahay. May dadaanan lang po ako at pahingi na rin po ng pera. Hehe."Paalam ko kay mama.

"Oh sya. Ito oh!  Bilisan mo ha baka malate ka sa school. First day mo pa naman ngayon sa bago mong school." Mama said.

"Opo, ma! Mabilis lang po ako. May bibilhin lang po akong coffee." Sabi ko kay mama

"Kape naman?!  Haaay! Tigilan mo na nga yang pag iinom mo ng kape. Alam mo bang masama yan sa health." Naiiritang sabi ni mama

"Hahahaha! Easy lang ma. Oo na po, titigilan ko na po kapag pinigilan niya ako." Sabi ko sa kanya.

"At sino naman yang pipigil sayo? May boyfriend kana no?! Aba't sabi ko sayo baw---"naputol ang sasabihin ni mama nang tumakbo na ako palayo sa kanya.

"MAGGIE !! BUMALIK KA DITO!!!"

"MAUUNA NA PO AKO MA! Malalate na ako oh! I love you!" Sigaw ko pabalik kay mama. Ang daldal talaga. Haaysst! Konting oras nalang natitira! Oo nakakabastos ang ginawa ko pero kasi pag di pa ako aalis di titigil yun sa kakadada sakin baka malate pa ako nang tuluyan.

Kakarating ko lang sa Sushi's, ito yung pangalan ng coffee shop. Nagtataka nga ako bat Sushi's ang pangalan kung kape naman ang binebenta rito. Haayst! Hayaan mo na.

Pagpasok ko, chineck ko muna kung nandito siya pero sad to say WALA siya!

'Kailan kaya siya babalik dito? '
Tanong ko sa sarili ko.

Dumiretso na ako sa cashier at umorder na ako. I-take out ko nalang yung coffee baka malate pa ako eh.

Palabas na ako ng coffee shop nang may nabaga ako.

"KABAYONG BUNJING KA!!!" Napasigaw ako sa gulat.

"Excuse me! Me?! Kabayong bunjing?" tanong nito.

Pagtingin ko sa damit niya.

'Hala! May tapon nang kape yung harap ng shirt niya. Lagot' sa isip ko.

X_____X

Pero pagtingin ko sa mukha niya. Shock covered my face!

O______O

"I-IKAW?!?" nauutal na sigaw ko.

"Whaaat?!" nairitang tanong nito.

'Wrong timing naman oh! Whyyyyy?!? Huhuhuhu' naiiyak na sabi sa isip ko.

T____T

--------------*****--------------
Author's Note:

Sino kaya yun?

follow me on:
IG: sushikawaii7
Twitter: @SusmitaRamos

The Clumsy Coffee Girl[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon