Hinatid na ako ni mama patungong school. Buti nalang hindi traffic kung hindi malalate talaga ako. Ang malas naman kung malalate ako. First day na first day pa!
Hay buhay naman oh!Nagtataka ba kayo kung anong nangyari dun sa coffee shop? Bleee! Ayaw kong sabihin! Nakakahiya!
Sorry! Nakalimutan kong magpakilala.
Ako nga pala si Margareth Mae Marquez. But just call me Maggie mas gusto ko kasi yun. Ako pala ay isang dalagang ubod ng ganda! Charot! Ang totoo niyan walang nagkakagusto sakin kasi nga mataba at pangit ako dati. Malay ko ba sa kanila ba't puro itsura at katawan ang nagugustuhan nila sa babae. Bawal bang sa ugali naman. Mabait, tahimik at matulungin naman ako. Hindi ba nila nakikita yun!Well, so much drama na. Let's see nalang kung ano masasabi nila ngayon sa kagandahan ko.
Pagpasok ko palang ng School. Nakita ko na kaagad ang na Banner -
"WELCOME BACK STUDENTS TO WESTBROOK UNIVERSITY"
Grabe! Sosyalin palang school na to pang mayayaman. Parang school na nakikita ko sa K-Drama! To the highest level!
'Ano kaya kinain ng parents ko? Bakit kaya dito pa? For sure mahal ang tuition dito!' Sabi ko sa sarili ko
While passing along the hallway. May naririnig na akong nagbubulong-bulungan sa likod ko.
'Ang ganda niya' sabi ni Girl 1
'Tama ka girl! Pang model ang beauty niya!' Girl 2
'I know right! Hihihihi'
'Baka bagong alipores nina Jasmine' girl 3
'Pare! Chick oh! Hot pare!' Boy 1
'Babe, di na ako galit! Uwi kana ha!' Sabi ni boy 2
Ilan lang yan ang naririnig ko sa mga bulong nila na naririnig ko naman. Bulong pa ba yun! Mga tao talaga oh!
Hinanap ko na yung assigned room para sakin. I'm a 4th year student taking up Bachelor of Science, Major in Biology. Isang taon nalang at gragraduate na ako sa college. I hope this year will be great and fun. Pero mas importante ang makagraduate ako!
Nang narating ko na ang classroom ko. Pumasok na ako at umupo sa likuran pero hindi talaga maiwasan ang mga bulong-bulongan ng kaklase ko. School ba talaga to o the buzz?
Mabilis akong mairita sa mga bulong-bulongan! Well, I had my past. And my past was terrible! Sana hindi na maulit yun! I hate my past life pero I'm still thankful because without it I will not be who I am today.
Paunting-unti nang napupuno yung classroom sa mga nagdadatingan na mga estudyante. Pinili ko yung sa likuran para walang magpapansin sakin. Buti na nga lang wala pang nagoccupy ng seat na katabi ko at ang nasa harap ko.
Nagbasa muna ako ng book para pang palipas oras habang may time pa. Wala pa naman yung prof namin. Sana naman di ganon kaboring magturo ang prof. Nakakaantok kasi kapag ganun. Mabilis pa naman ako mawalan ng gana.
'Whaaat?! Namatay yung boy?! Anong klaseng ending to?' Sabi ko nung natapos ko nang basahin yung book. Hindi ko alam napalakas pala yung pagsalita ko sa isip ko.
Pagbaba ko ng book sa mukha ko lahat nakatingin sakin. Nakakahiya ka Maggie! Aysshh!
'OA mo naman ate girl! Pwede naman magbasa ng tahimik lang diba?' Sabi ng katabi ko.
May katabi na pala ako. Hindi ko man lang siya na pansin.
"I'm sorry po. Nagulat lang kasi ako sa ending ng story" mahinang sabi ko