Chapter 1

76 0 0
                                    


Concentrate ngayon sa pag-aaral si Almira dahil sa kanya nakasalalay ang kinabukasan ng kanyang pamilya. Parati siyang nakakasama sa honors at hindi niya hinahayaang mawala siya sa TOP 10. Minsan, siya ay hinahamak ng kanyang mga kaklase pero hindi niya iyon pinapansin.

Meron siyang matalik na kaibigan sa kanyang klase at iyon ay si Isabella. Ngayon lang niya ito naging kaklase pero mas marami pa siyang nagiging kaibigan kaysa kay Almira na halos buong high school nila kasama. Kaunting kibot lang ni Isabella, hanga na agad ang mga kamag-aral nila di gaya niya na halos ibuhos na ang lahat-lahat ay wala pa rin.

Hindi na niya iyon iniisip dahil nasa kolehiyo na siya ngayon at gaya ng inaasahan, kasama niya si Isabella. Nakakatuwa talaga 'tong tao dahil mas pinili niyang makasama si Almira kaysa sa mga naging kaklase nila.

Dahil nakapag-abroad ang tatay ni Almira kaya nagkaroon siya ng sariling laptop. Siyempre bukod sa pag-aaral, ginagamit niya rin ito para makapaglibang. Alangan naman puro aral lang siya baka mamaya mawala na ang ulirat niya. At kasama sa kanyang libangan ang in na in ngayon na facebook.

"Uy, ano iyang ginagawa mo?", tanong ng boardmate niyang si Isabella.

"Ah. Nagfefacebook. Time out muna sa pag-aaral tutal sembreak naman."

Maya-maya, may nakita siyang friend request at agad-agad ay inaccept niya. Hindi niya pinapalampas ang isang friend request na hindi na-aaccept. Sa facebook na nga lang siya nagkakaroon ng maraming kaibigan eh.

Dahil sa inaccept niya ito, nagpasalamat ang lalaki sa pamamagitan ng chat. Ang pangalan niya ay Yhtomit Luap Zeravla.

Yhtomit Luap Zeravla: thnx po sa pag-accept..

Almira Frances Miller: your welcome po..:)

Yhtomit Luap Zeravla: muzta n?

Almira Frances Miller: ok lang

Yhtomit Luap Zeravla: kila2 mo pb aq?

Almira Frances Miller: hindi..sino ka ba?

Yhtomit Luap Zeravla: ah..

-Yhtomit Luap Zeravla is not available-

"Sino yung kachat mo?", tanong ni Isabella.

"Hindi ko kilala eh pero alam mo parang kilala niya ako nung nakipagchat sa akin.", ani Almira.

"Hayaan mo na nga iyon. Ikaw kasi eh. Accept ng accept ng friend request kahit hindi mo kakilala! Ayan tuloy!"

"Bayaan mo na ako. Alam mo namang loner ako eh."

"Anyway, kumusta na pala si Timothy?"

"Ayun, wala pa ring connection. Hindi ko mahanap ang facebook account niya at bihira nang magtext."

"Tsk tsk tsk. Kawawa ka naman. Halika na! Maghapunan na tayo."

"Oo nga eh! Miss ko na nga iyon! Salamat at nandiyan ka ha!"

"Sus! Ayan ka na naman! Nagdradrama na naman! Halina nga!"

"Oo na! Andiyan na po!"

SiTimothy ay best friend ni Almira. Actually, dalawa ang best friend niya. Una siTimothy at pangalawa si Isabella. Nakilala niya si Timothy noong first yearhigh school siya at naging magkaklase pa. Pero bukod sa best friend sila ay maycrush din siya kay Tim (tawag niya kay Timothy).

Dahil sa FacebookWhere stories live. Discover now