Chapter 2

28 0 0
                                    


"Grabe! Kinikilig talaga ako kanina."

"Bakit naman pre?"

"Kasi nakachat ko siya."

"Sino? Si Almira?"

"Oo. Kaso hindi na niya ako kilala."

"Pa'no ka niya makikilala kung binaligtad mo yung name mo!"

"Hehehe. Trip ko eh!"

"Sige Timothy! Alis na ako. Maggagabi na eh!"

"Bye Alexander! Ingat ka!"

Iyan si Timothy Paul Alvarez. Siya yung ka-chat ni Almira. Hindi niya alam na may gusto si Almira kay Tim.

Kagaya ni Almira, nasa kolehiyo na din si Tim. Pero hindi niya dinidibdib ang kaniyang pag-aaral noong high school siya. Napakatorpe niya. Ang dami niyang nililigawan at marami na siyang naging girlfriend.

Pero ngayon, nagbagong buhay na siya. Na-realize niya na kailangan niyang magseryoso para sa kanyang pamilya at para na rin kay...... Almira. Hindi pa rin maaalis ang pagiging torpe nito at sa kasalukuyan, meron siyang girlfriend, si Clarissa. Pero laro-laro lang iyon dahil ang mahal niya talaga ay si Almira.

"Timothy! Timothy!", tawag ni Clarissa.

"Wait lang ha!", sabi ni Timothy.

"Kumusta na? I miss you."

"Ito hindi inspired kasi hindi kita kasama kanina eh."

"Sus!"

Lumabas sila Timothy at Clarissa para manood ng sine. Ang pinanood nila ay tungkol sa mag-best friend na nagkagustuhan sa isa't-isa. Sobrang nakakarelate dito si Timothy at ang na-iimagine niyang kasama ay si Almira. Dahil doon kaya nasabi niya yung name ni Almira.

"Mira!", sabi ni Timothy.

"Hoy! Sino iyon? Babae mo?", tanong ni Clarissa.

"Wala. Naalala ko lang yung pinsan ko.", sabi ni Timothy.

"Ay! Magconcentrate ka na nga sa pinapanood natin. Ang ganda na oh! Aaminin na niya na may gusto siya sa bff niya.", sabi ni Clarissa.

At pinagpatuloy na nila ang panonood ng sine nalipad ang utak ni Timothy. 

Dahil sa FacebookWhere stories live. Discover now