Gulat na gulat si Almira nang makita sa pintuan sila Timothy at Clarissa na sobrang sweet. Hindi niya alam kung bakit sobra siyang nasasaktan. Dahil sa sidhi ng kanyang damdamin kaya inaway niya ang dalawa.
"Tim, ano ang ginagawa mo dito? At bakit mo kasama si Clarissa?", mataray na sinabi ni Almira.
"Huh? Siya si Tim na sinasabi mo?", sabad ni Clarissa.
"Saglit lang. Hayaan niyo akong magpaliwanag.", sabi ni Timothy.
Dahil sa sobrang galit ni Almira kay Timothy kaya nasampal niya si Timothy at tumakbo sa waiting shed ng kabilang kalye. Hinabol naman siya ni Timothy at hinabol naman ni Clarissa si Timothy. Nang maabutan nila si Almira ay agad niyang pinagsalitaan si Clarissa.
"Alam mong kaibigan kita pero ano ang ginawa mo sa akin?", sabi ni Almira.
"Hindi ko naman alam na iisa lang si Timothy at si Tim. Dapat ako pa nga ang magagalit sayo eh. Kaano-ano ka ba ni Timothy? Ako ang girlfriend niya at ikaw ay best friend lang niya.", paliwanag ni Clarissa.
"Hindi mo naman kasi alam ang sitwasyon ko eh. Pinaasa ako ng lalaking ang sabi ay mahal ako pero iyon pala ay may mahal ng iba."
Gulat na gulat si Timothy sa narinig at dahil din sa sinabi ni Almira kaya nasampal ni Clarissa si Almira at sinabunutan naman ni Almira si Clarissa.
"Kayong dalawa! Magsitigil nga kayo!", saway sa kanila ni Timothy.
"Ikaw nga ang may kasalanan kung bakit kaminag-aaway!", sagot naman ng dalawa.

YOU ARE READING
Dahil sa Facebook
RomanceCan they find their true love in using Facebook? CASTS: Han Hyo Joo as Almira Frances Miller So Ji Sub as Timothy Paul Alvarez Park Ha Sun as Clarissa Gong Hyo Jin as Isabella Jo In Sung as Alexander