Chapter 20

11 0 0
                                    


"Cumlaude. Mr. Timothy Paul Alvarez!"

Tuwang-tuwa si Timothy nang kunin niya ang kanyang award. Grabe! Hindi siya makapaniwala na magiging cumlaude siya.

"Suma Cumlaude. Ms. Almira Frances Miller!"

Nang marinig niya ang pangalan ni Almira ay napatalon siya. Pagkababa ni Almira ng stage ay marami ang lumapit sa kanya at isa sa mga nakipagsiksikan ay si Timothy.

"Congrats Mira!", sabi niya.

"Thank you." Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Almira sa kanya.

Dahil BS Chemistry ang course nila kaya kailangan pa nilang mag-aral ng two years. Napagdesisyunan ni Timothy na mag-aral ng Engineering sa Amerika tutal magma-migrate din sila doon.

Nang matapos ang graduation ball ay pinuntahan ni Timothy si Almira.

"Mira, pasensya ka na ha! Alam kong hindi mo ako mapapatawad. Pero sana dumating ang araw na mapapatawad mo na ako. Aalis na ako next month para pumunta ng Amerika kasama ang pamilya ko. Mamimiss kita. Huwag kang mag-alala. Hindi kita makakalimutan. Ingat ka sa pagtahak ng buhay. Sana kapag nagkita tayo ay successful ka na. I will always love you."

Pinakinggan naman siya ni Almira at sa loob-loob niya ay nasasaktan siya pero hindi niya pinapahalata dahil matapos iyon sabihin ni Timothy ay bigla siyang nagwalk out.

Makalipas ang isang buwan ay lumipad na patungong US si Timothy.

Kahit malayo kay Almira, sinisikap pa rin niyang makakuha ng impormasyon kung ano na ang nangyayari kay Almira. Parati niyang binibisita ang profile nito at minsa'y nakakachat niya ang isa pang bff ni Almira na si Isabella. Nabalitaan niyang kumukuha ng Business Management si Almira at habang nag-aaral siya ay kinuha siya ng UP para maging professor.

Makalipas ang tatlong taon ay isa nang successful engineer si Timothy. Nabalitaan din niyang naging topnatcher si Almira sa Licensure Exam.

Dahil sa nakakaluwag na sila sa buhay kaya puwede na niyang gawin ang kahit anong gustuhin niya.

Siyempre dahil guwapo at mayaman si Timothy kaya maraming babae ang nagkakadanrapa sa kanya. Pero hindi niya iyon pinapansin dahil loyal siya kay Almira.

Hanggang nung isang araw ay may tumawag sa kanya.

RING..RING..RING..

"Hello?"

"Hello!"

"Si Alexander 'to pre. Do you still remember me?"

"Of course! Kumusta na pala ang artista kong kaibigan?"

"Ito busy. Madaming chicks ang lumalapit sa akin."

"Ikaw talaga? Kumusta na pala kayo ni Isabella?"

"Ito. Engage na kami dude. Actually, ikakasal na kami next month."

"Talaga? Congrats!"

"Pre kaya napatawag ako sayo dahil iimbitahan kita sa kasal ko. Ikaw yung Best Man."

"Sige. Magleleave ako ng one month. Pupunta ako diyan."

"Thanks pre. Ingat ka sa biyahe mo."

...

A week before ng kasal nila Alexander ay umuwi ng Pilipinas si Timothy. Buti na lang at hindi nila binenta ang bahay nila. Dito kasi siya mamamalagi habang nasa bansa siya.

...

A day before ng kasal, inimbitahan siya ni Alexander sa isang party. Doon sila nagkakuwentuhan.

"Pre! Long time no see ha!", bungad sa kanya ni Alexander.

"Oo nga eh! Namiss ko ang Pinas!", sabi naman ni Timothy.

"Sa guwapong mong iyan huwag mong sabihing walang mga babaeng lumapit sa iyo."

"Sus! Madami nga sila eh kaso hindi ko pinapansin."

"Bakit? Dahil kay Almira?"

"Oo."

"Naku! Almira ka na naman! Alam mo, ang daming nanliligaw doon pero binasted niya lahat."

"Talaga?"

"Ooat tuwang tuwa ka naman."

Dahil sa FacebookWhere stories live. Discover now