Chapter 4

16 0 0
                                    

Tinatawagan ni Timothy si Clarissa. Kinukumusta niya kasi ito dahil lumipat ito ng boarding house.

"Hi mine! Kumusta na yung paglipat mo?", tanong ni Timothy.

"Okay lang! May nakilala nga akong bagong kaibigan, si Almira.", sabi ni Clarissa.

"Oh?". Biglang namula si Timothy.

"Bakit?"

"Wala. Naalala ko lang yung best friend ko. Gusto mong pumunta ako diyan? Tulungan kitang mag-ayos ng gamit mo."

"Huwag. Bawal kang pumunta dito. Mahigpit yung may-ari ng boarding house. Bawal daw ang lalaki dito."

"Ay gano'n ba? Sige ingat ka diyan. I love you."

"I love you too."

Sa pagkakasabi ni Clarissa sa pangalan ni Almira ay parang nawindang siya. Ang feeling niya kasi ay yung Almirang sinasabi niya ay yung best friend niya.

Speaking of Almira, hindi niya maalis sa isipan niya yung pagchachat nila kanina. Parang matutunaw na siya sa sobrang kilig. Nagtataka nga siya kung bakit nakikipagchat si Almira sa kanya eh iba yung name niya sa facebook.

Hmmm. Baka nakilala niya ako, bulong niya sakanyang sarili. 

Dahil sa FacebookWhere stories live. Discover now