Chapter 15

12 0 0
                                    

Halos mangiyak-ngiyak nang makauwi si Almira sa board nila.

"Oh! Bakit ka umiiyak?", tanong sa kanya ni Isabella.

"Naalala mo si Tim? Umamin siya sa akin kanina."

"Si Tim? Anong ginawa niya sayo at iyak ka ng iyak?"

"Wala. Nagulat lang talaga ako."

"Ano bang inamin niya sayo?"

"Inamin niyang may pagtingin siya sa akin."

"Happy birthday Almira! Oh bakit ka umiiyak?". Si Clarissa iyon na may dalang cake. Napalapit na rin sa kanila si Clarissa kaya gano'n na sila kaclose.

"Kasi umamin daw si Tim na gusto niya si Almira."

"Talaga? Congrats."

"Pero parang hindi siya masaya."

"Hala! Bakit naman?"

"Hindi naman sa gano'n pero nagulat lang talaga ako.", sabad ni Almira.

"Tinanggap mo na ba yung alok niya?", tanong ni Isabella.

"Hindi ko pa nga alam Mars eh. Kailangan ko munang magconcentrate sa pag-aaral."

"Sige ikaw ang bahala."

"Isabella, halina sa baba. Hayaan muna nating mag-isa si Almira."

...

Pagkabalik ni Clarissa sa kuwarto niya ay tinawagan niya si Timothy.

"Hello?"

RING..RING..RING.. "Hello?"

"Timothy. Kumusta na? Ang tagal nating hindi nakapag-usap ah."

"Sorry ha! Busy sa pag-aaral eh."

"Alam mo, nanlalamig ka na sa akin. May nagawa ba akong masama?"

"Wala naman. Busy lang talaga."

"Okay lang ba na bukas sunduin mo ako? Tutal Friday naman bukas. Mag-bonding naman tayo."

"Ah....."

"Sige na please!"

"Sige! Bukas lang ha!"    

Dahil sa FacebookWhere stories live. Discover now