Chapter 14

7 0 0
                                    

As usual, 7:00am pa lang ay nasa labas na ng boarding house si Timothy para ihatid si Almira papunta sa school. May dala siyang chocolates at flowers dahil birthday ngayon ni Almira.

"This is the day! Aaminin ko na sa kanya. Goodluck!"

Lumabas na si Almira ng boarding house.

"Happy birthday espren!". Sabay abot ng flowers and chocolates.

"Thank you! Ang aga mo ngayon ha!"

"Siyempre ako pa! Hehehe."

Grabe, hindi ko pa rin masabi. Mamaya na lang after class, bulong ni Timothy sa kanyang sarili.

Habang tumatakbo ang oras ay litong-lito pa rin si Timothy sa kanyang gagawin.

Aaminin ko na ba o hindi?, tanong ni Timothy sa kanyang sarili. Isang salita lang ako. Gagawin ko na ngayon.

Pagkalabas nila ng room..

"Mira, okay lang na pumunta tayo sa park?"

"Sige!"

Habang naglalakad sila ay tahimik lang si Timothy. Daldal naman ng daldal si Almira.

"Espren, bakit ang tahimik mo? May bumabagabag ba sa isipan mo?"

"Oo. Ikaw."

"Anong sinasabi mo?"

"Ang sabi ko ay ikaw."

"Hala! Bakit ako? Sorry kung masyado akong madaldal ha!"

"Ikaw kasi eh. Hinayaan mong mahulog ako sa iyo."

"Ano daw? Adik ka talaga!"

"Hindi nga! Totoo yung mga sinasabi ko. Gusto kita Almira Frances Miller. Matagal na."

Gulat na gulat si Almira.

"Ngayon, puwede ba kitang maging partner?"

Dahil sa sobrang pagkawindang sa sinabi sa kanyani Timothy kaya nasampal niya ito at bigla na lang umalis. 

Dahil sa FacebookWhere stories live. Discover now