Chapter 3

17 1 0
                                    


Umaga. Binuksan agad ni Almira yung facebook account niya habang si Isabella ay naghahanda na paalis.

"Bhest, saan ka pupunta? Blooming ka ngayon ha!", tanong ni Almira.

"Pupunta kasi kami ni Alexander sa mall. Sasamahan niya akong bumili ng mga gagamitin ko para sa next sem.", paliwanag ni Isabella.

"Sows! Puwede ka naman magpasama sa akin eh."

"Eh busy ka diyan sa laptop mo eh. Nakakahiyang mangistorbo sayo."

"Gusto mo lang makasama si Alexander mo eh."

"Hay naku! Makaalis na nga!"

"Ingat future Mrs. Uy! Baka malaglag iyang ngipin mo!"

Pinagpatuloy na ni Almira yung pagfefacebook niya. Kagaya kahapon, nakipagchat na naman si Yhtomit Luap Zeravla.

Yhtomit Luap Zeravla: gud morning po.:D
Almira Frances Miller: good morning din.
Yhtomit Luap Zeravla: muzta n?
Almira Frances Miller: ito ok lang.miss ko nang pumasok sa school.
Yhtomit Luap Zeravla: ah..ingat po plagi!
-Almira Frances Miller is not available-

Sino ba iyon? Hindi ko naman makilala kasi si Zac Efron yung profile picture niya. Ayaw namang magpakilala, bulong ni Almira sa kanyang sarili.

"Tao po! Almira!", tawag ng may-ari ng boarding house na si Mrs. Villa.

"Sino po iyan?"

"Ako 'to. Si Luz." Sabay bukas ni Almira ng pinto.

"Ay kayo po pala iyan! Pasensya na po ha! Naninigurado lang po ako."

"Okay lang. Di bale ito pala si Clarissa Serrano. Bago niyo siyang boardmate. Diyan siya sa kabilang kuwarto."

"Nice to meet you Clarissa! Ako pala si Almira."

"Nice to meet you din! Sana maging friends tayo.", sabi ni Clarissa.

"Sana nga."

"Oh sige maiwan ko na kayo. Clarissa, ayusin mo na yung gamit mo.", sabi ni Mrs. Villa.

"Opo", sabi ni Clarissa.

Bumalik na si Almira sa kuwarto niya. Tuwang tuwa siya dahil magkakaroon siya ng bagong kaibigan.

Sayang! Wala dito si Isabella. Hindi niya tuloynakilala si Clarissa, sabi ni Almira sa kanyang sarili.

Dahil sa FacebookWhere stories live. Discover now