Chapter 19

13 0 0
                                    

Iyak ng iyak si Almira hanggang sa makatulog siya

...

"Bhest, gising na!", sabi ni Isabella.

"Nandiyan na."

Habang nasa baba sila kasama ang ibang boardmates ay napatingin si Isabella sa labas.

"Mars, si Clarissa iyon ha! Magkausap na naman sila ni Timothy."

"Isabella Violet Baudelaire! Please! Huwag na huwag mong sasabihin ang mga pangalan nila."

"Bakit naman? Huwag ka ring magalit kay Clarissa. Biktima rin naman siya eh."

"Basta!"

Nang dumating ang Lunes, hindi niya pinansin si Timothy. Hindi niya rin pinansin si Clarissa na dati'y malapit sa kanya. Padala ng padala si Timothy ng messages sa facebook pero balewala lang sa kanya. Kahit bumabaha na ng mga regalo galing kay Timothy ang cabinet niya ay wala lang sa kanya. Parati pa nga niyang pinamimigay ang mga chocolates sa mga boardmates niya.

Lumipas iyon ng ilang buwan hanggang sa isang araw..

"Clarissa, saan ka pupunta?", usisa ni Isabella.

"Uuwi na ako sa mga magulang ko. Puwede bang makausap si Almira?", sabi naman ni Clarissa.

"Sige, pasok ka."

Nakita ni Clarissa si Almira sa loob ng kuwarto na gumagamit ng laptop.

"Almira, pasensya na ha!"

Sige lang naman ang paggamit ni Almira ng laptop.

"Alam kong hindi mo ako mapapatawad pero parehas lang tayong naging biktima. Gusto ko rin naman si Timothy kaso ayoko nang ipagsiksikan ang sarili ko. Ingatan mo siya parati ha! Sige aalis na ako. Mag-iingat ka palagi."

Niyakap ni Almira si Clarissa at sinabing, "Oo. Matagal naman na kitang napatawad. Hindi ko lang kaya na makita kita dahil naaalala ko si Tim kapag nakikita kita. Ako nga dapat ang humingi ng tawad sayo eh. Sorry talaga."

Nag-iyakan ang dalawa at umalis na si Clarissa.

Dahil sa FacebookWhere stories live. Discover now