"Kailangan niyong matapos ito next week ha! Okay?"
"Yes Ma'am!"
Iyan na ngayon si Almira. Isa na siyang successful businesswoman ng gamot. Dalawang taon niyang pinagsikapan mag-aral ng Business Management at limang taon naman niyang sinikap itayo ang kanyang kumpanya. Laking pasalamat niya sa UP dahil binigyan siya ng scholarship at kinuha pa siyang Chemistry professor.
"Rosyl, ikaw na muna ang bahala dito ha! Aalis na muna ako."
"Opo Ma'am!"
Sa labas ay nag-aabang si Nataniel, ang makulit niyang manliligaw.
"Nataniel, anong ginagawa mo dito?"
"Susunduin kita!"
"Ano ba! Meron akong sariling car and binasted na kita di ba?"
Dali-daling umalis si Almira at buti na lang ay hindi siya nalate sa klase niya sa UP.
...
RING..RING..RING..
"Hi Mars! Si Bella 'to!"
"Kumusta na?"
"Ito okay lang. Eh ikaw?"
"Kinukulit pa rin ni Nataniel. Ilang beses ko nang binasted pero nandito na naman ulit."
"Bakit hindi mo na sagutin?"
"Alam mo namang hinihintay ko si Tim. Hindi pa rin siya maalis sa puso ko at hindi ko kayang magkaroon ng karelasyon kung hindi rin siya."
"Sus! Hayaan mo na nga iyon. Alam mo, engage na kami ni Dex at next week na kami ikakasal. Ikaw yung Maid of Honors ah. Punta ka ha!"
"Sure!"
Sana makita ko din si Tim. Ayaw ko kay Natanieldahil siya lang ang gusto ko at wala ng iba, bulong ni Almira sa kanyangsarili.
YOU ARE READING
Dahil sa Facebook
RomanceCan they find their true love in using Facebook? CASTS: Han Hyo Joo as Almira Frances Miller So Ji Sub as Timothy Paul Alvarez Park Ha Sun as Clarissa Gong Hyo Jin as Isabella Jo In Sung as Alexander