(Josh' POV)
"Rude Girl!" sigaw ko kay Jasmine kahit medyo malayo na siya sa akin.Kita mo!Hindi man lang ako kinibo!
"Josh?Why are you on the floor?" napatayo agad ako ng makita si CEO.Nag bow ako "nadulas lang po" sabi ko.Pasalamat yung babaeng yun at hindi ko siya sinusumbong sa ate niya!
"Be careful Josh" sabi niya at umalis na.Medyo cold din si CEO pero ang galing niya.Bagay talaga siya para maging CEO.
By the way i'm Josh Delubyo.Same age as Jasmine.Mayaman,Matalino,at gwapo.Angal ka?
Kung sa tingin niyo'y papansin ako pwes sa tingin niyo lang yun.Kilala ako bilang cold at snob pero pag dating dun kay Rubik's girl na yun nagiging maingay ako.
Ewan ko ba.Alam mo yun?Simula nung maging trainee siya dito sa ESA hindi ko pa siya narinig na nagsalita.Yup.As in hindi pa.Kaya nga ginagawa ko ang lahat para magsalita siya.
I admit maganda siya.Kahangahanga din yung talento niya pag nag tetraining kami.Gusto ko nga siyang maging kaibigan eh.Ewan ko kung bakit.
Lahat kami dito sa ESA alam kung anong nangyari sakanya,kung anong nangyari sa pamilya niya.Pero ni isa sa amin ay hindi yun binanggit sa harap niya.
Marami ngang natatakot sakanya dahil sa kakaiba niyang aura.Well I don't care.Hindi siya nakakatakot.Feeling ko nagiging ganyan lang siya para protektahan ang sarili niya.I salute her.
~~~~~~~~~
"Hi Josh!" bati sa akin ni kuya Roy Estrada.Secret agent siya at sa kanilang lahat siya ang pinakaclose ko."Hi kuya Roy!Ano yan?" napatingin ako sa hawak niyang folder.
"This?Ito yung mga files na pinapahanap ni miss Jasmine" sabi niya.Napatitig ako sa folder "I have to go Josh baka magalit siya sa akin at isumbong pa ako sa CEO" sabi niya.
Aalis na sana siya pero "wait" I said.Lumapit ako sakanya "pwedeng ako na lang mag bigay kay Jasmine----I mean miss Jasmine?" Tanong ko.
"At bakit?" tanong ni kuya Roy.Napakamot ako sa batok ko "Para makita ko siya?" patanong kong sagot. Nacucurios lang naman ako kung anong laman ng folder eh.
"Umamin ka nga sa akin Josh,may gusto ka ba kay miss Jasmine?" Bigla kong nalunok yung laway ko at napaubo."Ako?May gusto sa rubik's girl na yun?" natatawa kong tanong habang nakaturo ang hintuturo ko sa sarili ko.
Ngumisi siya "hindi mo sinagot ang tanong ko pero ito na" at ibinigay niya sa akin ang folder."Pag tinanong niya kung bakit ikaw ang nagbigay mag palusot ka ha.Yung valid naman" sabi niya at umalis na.
Napatingin ako sa folder at binuksan ito.Nakakita ako ng form."Marvin Philip?" Patanong na basa ko sa pangalan ng nasa form.Sino ito?
"At sinong nag sabing buksan at pakealaman mo yan?" nagulat ako ng sumulpot bigla si Jasmine."Ano kasi.Natatae si kuya Roy kaya-----Teka,nag salita ka?!" nag salita siya diba?!Diba?!
Imbes sumagot ay hinablot niya ito at sinipa ako sa bewang."Aray!Bakit ka ba naninipa?!" Inis na tanong ko habang hawak hawak yung bewang kong sinipa niya.
Ngumisi lang siya sabay alis na."Yah!Jasmine!" tawag ko pero hindi niya ako nilingon.Bwiset na babaeng yun!
~~~~~~~~~~~~
"Josh?Why are you walking like an injured person?" tanong ni CEO ng makita niya akong nag lalakad habang hawak hawak yung bewang ko.Masakit eh.
"Uhm i'm o--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mag salita siya."Is that because of Jasmine?" tanong niya.Napayuko ako.Ang seryoso kasi niya.
Narinig ko siyang bumuntong hininga "i'm sorry about her.Ganyan na talaga siya" sabi niya na ikinaangat ng ulo ko.
Nag sosorry si CEO sa akin?Wow ha.
"It's okay CEO.Kasalanan ko din naman po" sabi ko.Ngumiti naman siya sa akin "ikaw na bahala sa kanyan pag wala ako ha?" Sabi niya at tinap yung balikat ko.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita.Napamahal na talaga si Jasmine sa CEO.
Napangiti ako.Ako na daw bahala kay Jasmine.
------------End of Josh' POV------------
(Jasmine's POV)
"I want to go to school ate" napatingin sa akin si ate Shane.Kasalukuyan siyang nag babasa ng mga papeles habang nakaupo sa swivel chair niya dito sa office niya.
"Really?Why?" Tanong niya.Nilapag ko yung folder sa desk niya na agad naman niyang tinignan."I found him.The one who killed my parents" sabi ko.
Isinara niya ito at ipinatong sa table niya.Tumingin siya sa akin "At ano namang gagawin mo sakanya?" tanong niya.
Napayuko ako ng maramdamang naginit na yung ibaba ng mata ko senyales na iiyak na ako "I want him to pay.Gusto ko siyang pagbayarin sa ginawa niyang pagpatay sa mama at papa ko" and there,i start crying.
"Ate it's so unfair kasi ni isang tao walang nakahanap sa pumatay sa parents ko.Hindi sila nabigyan ng hustisya.Ang masakit pa dun wala akong magawa" sabi ko habang umiiyak.
"Wala akong magawa kasi kahit ako nanganganib din.*sob* Ate gusto kong iparamdam sa taong yun kung gaano kasakit ang naramdaman ko ng mawala ang mga magulang ko" sabi ko.
Napaiyak na ako ng husto at naramdaman ko na lang na nakayakap na si ate sa akin."Sssshhhh.Tama na.Kung ano man yang plano mo suportado ako basta wag mong hahayaang mapunta sa panganib yang buhay mo" sabi niya.
"Tahan na" sabi niya at hinaplos ang buhok ko.
~~~~~~~~~~
Heyyo!Medyo lame yung update ko ngayon.Sorna.Don't worry babawi ako.
Don't forget to vote on this chapter!Kung hindi mo pa ako nafafollow then follow me.Kung may gusto kayong sabihin let me know on the comments below.
BINABASA MO ANG
The Silent Killer
Mystery / ThrillerIsang babaeng nasira't nag dilim ang paningin dahil sa nakaraan niya. Ang babaeng tahimik pero hindi alam ng lahat na siya'y makamandag. How do you catch a killer who never leaves a clue? Highest Rank #76 in Mystery/Thriller (Note from 2021 PAT: I m...
