♥C30:Saw♥

1.6K 71 23
                                        

(Kainu's POV)

Nandito ako ngayon sa kwarto.Anong oras na ng gabi pero hindi pa ako dinadalaw ng antok.Hindi ko mapigilang isipin na ganun si Jasmine.

Isa pa,iniisip ko din kung anong kasalanan ni dad kay Jasmine.Bumuntong hininga ako't pumunta sa may bintana.

I fished my phone out of my pocket and I open it.It's already 11:58 p.m.Bumuntong hininga ulit ako't naisipan ng humiga.

Ipinikit ko na ang mga mata ko at ang tanging hinihintay ko na lang ay ang pagtulog ko."Aaah!" Napabangon agad ako ng makarinig ng sigaw."Dad!" Sabi ko sabay labas ng kwarto.

Halos talunin ko na yung hagdanan dahil sa pag mamadali kong makapunta sa kwarto ni dad.Pag bukas ko'y nakita ko agad si "Jasmine?!"

Hawak-hawak niya ang kwelyo ni dad habang sa kabilang kamay niya naman ay may hawak siyang dagger.

"Nababaliw ka na ba?!" galit na tanong ko pero tinitigan lang niya ako.Ngumisi siya kasabay ng pag ring ng phone ko.

Hawak-hawak ko parin pala ito.Tinignan ko kung sino ang caller at nagulat ako ng makita ang pangalan ng taong nasaharapan ko ngayon.

Tinitigan ko si Jasmine tapos tinignan ko din yung pangalan ng tumatawag.Nanginginig ko itong sinagot at itinapat sa tenga ko.

"Hello?" tanong ko."Too much over thinking can kill you honey" nanlaki ang mata ko ng marinig na boses ito ni Jasmine.

"H-how?" tinitigan ko ang babaeng nasa harapan ko."Nakikita mo ako sa harap mo ngayon right?That's me" sabi niya sa linya't pinatay na ito.

"I want to kill your dad.Right here,right now" sabi ni Jasmine.Naguguluhan ako!Sino yung tumawag sa akin?!Si Jasmine yun diba?!Pero bakit may Jasmine din sa harapan ko?!

"Ano bang problema ng dad ko sayo hah?!" galit na tanong ko.Nginisian niya ako at nilapit ang dagger sa leeg ni dad.

"Jasmine patawarin mo na ako" sabi ni dad."Ang gulo niyong dalawa!Hindi ko kayo maintindihan!" Sabi ko at lumapit kay Jasmine para sana hablutin yung dagger pero sinipa niya yung tiyan ko kaya napaatras ako.

"Wag mo siyang saktan!" Sigaw ni dad.Biglang tumawa si Jasmine."Ang sweet niyong dalawa" sabi ni niya at inirapan kami.

"Kung may problema ka kay dad,sa akin mo na lang ilabas lahat" sabi ko sabat tayo.Nginisihan niya ako."Ayoko nga" sabi niya ng parang bata.

"Sir!" nakarinig naman kami ng sigaw.Siguro yun yung mga body guards at detectives."Bye Kainu" biglang sabi ni Jasmine at itinapon yung dagger sa may ilaw kaya nabasag ito't nawalan na ng ilaw.

Dahil sa dilim walang nakakita kung saan na siya pumunta."Sir are okay?!" tanong ng detective sa akin na may hawak na ngayong flashlight."Sa susunod dito na kayo sa kwarto ni dad!Lalo na kayo!" at tinuro ko yung mga body guards.

Napayuko naman sila "mga walang silbi!Palitan niyo yang ilaw!" sigaw ko sabay labas.Napasuntok na lang ako sa pader dahil sa sobrang inis.

The Silent KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon