♥C23:Kutob♥

1.1K 48 0
                                        

(Marvin's POV) 

"You need to be more careful sir" sabi ng isang detective ko ng makaupo ako dito sa office ko sa mansion.

Pinaikot ko ang swivel chair ko paharap sa glass window na kung saan makikita ang garden ng mansion ko.

"Nahanap niyo na ba ang taong gustong pumatay sa akin?" tanong ko habang pinag mamasdan ang hardin kong napapalibutan ng mga ilaw dahil madilim na.

"Sorry sir pero hindi pa po" sabi niya.Humarap ako sakanya na ikinayuko niya.Tumayo ako "Hindi pa?! Eh kailan niyo hahanapin?!Pag patay na ako?!" galit na tanong ko.

"No sir.Don't worry gumagawa na po kami ng paraan kung paano mahuli ang killer" sabi niya."Dapat lang!" Galit kong sabi sabay upo ulit.

"Makakaalis ka na" sabi ko at umalis na nga siya. Bumuntong hininga ako at ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa mesa ko.

Nagulat ako ng biglang may nag text sa akin.Nangilabot ako ng makita ang isang letra ng misteryosong tao.

From: Z

Poor you.You can't even find me.Hahahaha.

To: Z

You're the poor one here.Bakit hindi mo ipakita yang sarili mo sa akin?Are you afraid?

From: Z

Pag nag pakita ako sayo edi wala ng thrill doon.Isa pa,i'm looking at you right now.

Napatigil sa ako sa sinabi niya sa huli.Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto pero wala namang tao ni isa.

From: Z

You will never find me because i'm invisible.

Sabi niya na ikinataas ng balahibo ko.I was about to text her back ng may kumatok."Come in" sabi ko at iniluwa niya si Kainu.

"What is it?" I asked."I'm here to ask you kung may mga nakakaaway ka na ba this past few days" sabi niya."Wala naman" sagot ko at ipinaharap ulit sa may glass window yung swivel chair ko.

"Okay" sabi lang niya't narinig ko na lang ang pag bukas at pag sara ng pintuan.Bigla namang may nag text at siya parin.

From: Z

I'm bored.Gusto kitang pahirapan ngayon.

To: Z

Ano bang problema mo?!

From: Z

Ikaw ang problema ko!

Kumunot yung noo ko.Paano ako naging problema ng taong ito?Ni hindi ko nga siya kilala.

To: Z

Hindi nga kita kilala tapos ikaw naman gusto mo akong patayin?!

The Silent KillerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon