(Jasmine's POV)
Lahat sila ay nag tataka.Pabalikbalik ang tingin nila sa akin at kay Kate.Biglang tumayo si Kate."Wag mong ipamukha na ako yung nag nakaw kasi nanakawan din ako!" Sabi niya't biglang tumakbo.
Napairap na lang ako dahil dun.So ako pa nag mukhang masama dito?Nag bulungan silang lahat at yung iba'y masamang nakatingin sa akin.
Tinaasan ko sila ng kilay na agad naman nilang iniwasan ng tingin.Mga takot!
Walang emosyon akong lumabas "pag lumabas ka dyan hindi ka na ulit makakapasok sa subject ko" banta ni ma'am sa akin.
Ngumisi ako't hinarap ko siya."Edi okey.Kahit naman anong ituro mo alam ko na.Remember,i'm smarter than you" sabi ko't lumabas na.
Naisip kong pumunta sa mini forest para tumambay.Napatigil ako ng makita ko si Kate na umiiyak sa may puno.
Nilapitan ko siya."Mag pakatotoo ka na lang kasi" sabi ko at umupo sa tabi niya.Mabilis naman niyang inangat yung tingin niya.
"Why are you here?!Pag katapos mo akong pag bintanagan!" Sabi niya."Hindi kita pinag bintangan Kate.I'm just telling the truth" sabi ko.
Yumuko siya't patuloy lang sa pag-iyak."I know you have a reason kung bakit mo yun nagawa" sabi ko na ikinatigil niya sa pag iyak.
Tumingin siya sa akin "how can you be so sure na ako ang mag nanakaw?" tanong niya.Huminga ako ng malalim "I saw you" sabi ko't tinignan ko siya.
"Nakita mo ako?Kung ganun bakit hindi mo ako pinigilan?" tanong niya."Nakita kitang lumabas ng gym Kate.Akala ko iihi ka.
Nung time na nasa POD office tayo,ang sabi ni ma'am wala naman daw nag paalam na lumabas o iihi at dun ko na naisip ikaw.
Isa pa,kayo-kayo lang din ang nakaka alam na may pera si Earl.I'm not dumb para hindi mapag tugma tugmang frame up lang na nanakawan ka din para hindi ka mapoint out" sabi ko na ikinaiyak niya.
"Oo na ako na!Ako na yung nag nakaw ng pera ni Earl!Masaya ka na?!" Napangiti ako."I'm right" sabi ko at tinignan siya.
"Alam ko may rason ka" sabi ko.Tumingin siya sa akin at pinunasan yung luha niya."Dapat ba kitang pag katiwalaan?" tanong niya.
Tumango ako "alam ko na ngang ikaw ang nag nakaw eh.Trust me" sabi ko sabay ngiti.Suminghot siya at nag simula ng mag salita.
BINABASA MO ANG
The Silent Killer
Misterio / SuspensoIsang babaeng nasira't nag dilim ang paningin dahil sa nakaraan niya. Ang babaeng tahimik pero hindi alam ng lahat na siya'y makamandag. How do you catch a killer who never leaves a clue? Highest Rank #76 in Mystery/Thriller (Note from 2021 PAT: I m...
