♥C1:Jasmine♥

3.7K 130 6
                                    

(Jasmine's POV)

Isang taon na ang nakalipas at marami ng nag bago.Itinuring ko ng kapatid si Ate Shane.

Dahil sa nakaraan naging palaban ako,naging matapang,at naging isang demonyo.Oo demonyo.Ni hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa mga nagawa ko.

Fact about me: I'M A KILLER

Yup.Akalain mo nga namang 14 years old palang ako ay nakapatay na agad ako.Well,what can you say?Ganyan na ako ngayon........as Jasmine.

Trainee pa lang ako dito sa ESA pero pumapatay na ako.Wala naman kasing nakakaalam na pumapatay ako.Yup.Ako lang ang nakakaalam na pumapatay ang isang Jasmine Samantha David.

Ni isa sa mga tauhan sa ESA walang alam dun,not even ate Shane.Bakit?Simple lang.Parang isang Inosenteng bata lang ako kung umasta sa kanila.

Ang tawag nga nila sa akin ay 'The Rubik's Girl' dahil puro rubik's cube na lang ang hawak ko at hindi umiimik.

Ngayon nag lalakad ako papunta sa office ni ate Shane. As usual i'm on my over sized black shirt and skinny black jeans.Naka sapatos din ako ng black.Hell yeah,I'm a black color addict."Namatay na pala si Sir Dumelod!" rinig kong sabi ng isa sa mga tauhan dito sa ESA.Napangisi ako."Eh?!Sino daw nakapatay sa kanya?" tanong naman nung isa.

"Ewan.Walang nakakaalam ng killer eh.Sabi naman nila may kaaway daw siya sa labas ng ESA tapos ayun!Kinabukasan patay na!" nakangisi lang akong nakikinig sa pinang uusapan nila.

Who's the killer?I am.

*Flashback*

Tahimik lang akong nag rurubik's cube dito sa hallway ng ESA.Naka upo sa isang kahoy na upuan ng may kumalabit sa akin.Itinigil ko muna ang pag rurubik's at tinignan ang kumalabit sa balikat ko.

Nakita ko si sir Dumelod na nakangiti."Hi Jasmine" bati niya sa akin at tumabi pa.Hindi naman ako umusog.Like duh..Ayoko ng may katabi.

Dahil wala naman siyang sinasabi pinag patuloy ko na lang ang pag rurubik's cube."So how's your life as a David?" rinig kong tanong niya pero hindi ko pinansin.

"Gumanda siguro buhay mo 'no?Akalain mo nga namang maganda ang maidudulot ng pag kamatay ng mga magulang mo" sabi niya na ikinatigil ko.

"Oh ba't tumigil ka sa pag bubuo?" Tinignan ko siya ng walang emosyong nakalagay sa mukha ko.Pinagmasdan ko ang mukha niya.

The Silent KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon