(Jasmine's POV)
Masaya lahat ng estupidyante dahil Friday ngayon.Ako?50:50.Haha okey lang naman na Friday na pero paano na yung plano ko kay Marvin?
Teka nga.....may plano na ba ako?
"Jasmine halika na!" Sigaw ni Josh sa akin.Kanina pa kasi ako kinukulit ng mokong na ito na kumain kami sa isang Korean Restaurant.
"Oo na ito na!" Inis na sabi ko naman.Kung tinatanong niyo kung na saan yung Kainu na yun wala siya.Absent.I wonder why.
"Biliiiiiiis" kita mo!Ang kulit talaga! "Alam mo ikaw napakakulit mo!" Sabi ko sabay irap.Tumawa naman siya."Alam mo ikaw napakacute mo!" Sabi naman niya sabay pisil sa pisngi ko.
Pinalo ko yung kamay niya "Ayoko na!Wag na tayong pumunta!" Inis kong sabi.Bigla naman niya akong niyakap.Nagpumiglas ako pero ang lakas niya eh.
"Hoy ano ba!" Sabi ko at pilit na lumalayo "kain tayo doooooooon" parang batang bulong niya sabay kalas na.Nag puppy eyes naman siya kaya nasapak ko siya ng wala sa oras.
"Oo na!" Sabi ko at tumalon naman siya sa tuwa."Kukunin ko lang yung sasakyan!" Masayang sabi niya sabay takbo.Napailing naman ako.
Habang hinihintay siya nag beep naman yung phone ko senyales na may nag text.Binuksan ko ito at napakunot ng makitang unknown number ito.
Binasa ko ang text ng number na yun at bigla akong nanlamig.What the fuck?Sino ito?
From: 09*********
I know all your secret.I know that you're the silent killer.
-Z
Bigla ulit itong nag beep at doon na naman galing sa number na yun ang text
From: 09*********
I'm watching you.
-Z
Dahan dahan akong tumingin sa gilid ko pero wala namang tao.Ginala ko ang paningin ko sa buong paligid pero wala ni isang tao ang nakita kong may hawak na phone.
Tinignan ko ulit yung number.Z?Who are you?
"Yow Jasmine!" Napatingin naman ako kay Josh."What's wrong?Masama ba pakiramdam mo?" biglang tanong niya.
Umiling ako "h-hindi.I'm fine" sabi ko.Bigla niyang hinawakan yung noo ko "you're so hot pero nag tataasan yang mga balahibo mo?Are you really okay?" tanong ulit niya.Nanlalamig ako.
"You look pale" sabi niya pa.Shemay!What's happening to me? "Look Jasmine,Iuuwi na kita.Wag ka ng pumasok ng hapon.Hindi maganda yang pakiramdam mo" sabi niya sa akin.
Natatakot ako.I don't know why.
Inalalayan naman niya ako at iniuwi na niya ako.May duplicate ako ng susi kaya nakapasok kami.Walang gana akong nahiga sa kama ko.Kinumutan naman niya ako at tinanggal yung hibla ng buhok sa mukha ko.
"Tell me what happened.Kinakabahan tuloy ako" sabi niya.Hindi naman ako umimik.I heard him sigh tapos tumayo siya "Nasabi ko na kay CEO na inuwi kita.Mamaya papunta na yun.Alam kong ayaw mo ako dito kaya aalis na ako" at akmang aalis na sana siya ng hawakan ko yung kamay niya.
BINABASA MO ANG
The Silent Killer
Mystère / ThrillerIsang babaeng nasira't nag dilim ang paningin dahil sa nakaraan niya. Ang babaeng tahimik pero hindi alam ng lahat na siya'y makamandag. How do you catch a killer who never leaves a clue? Highest Rank #76 in Mystery/Thriller (Note from 2021 PAT: I m...
