(Author's POV)
Pinunasan ni Zildjian ang kanyang pisngi ng may putak na luha dito habang nakatingin sa puntod ng mga taong mahal niya.
"Hey" napatingin siya kay Raze ng lapitan siya nito at akbayan."Ang gulo pala ng story ng pamilya mo" sabi ni Raze at medyo tumawa.
Tinignan niya si Zildjian pero nakatitig lang ito sa mga puntod."Hey" tawag niya ulit."Zein I know hindi ka pa nakakaget over sa pangyayari" napabuntong hininga naman si Zildjian.
Tinignan niya si Raze at nginitian niya ito."I can get over this" sabi niya sa binata at napatingin sa likod.
Napangiti siya ng makita ang babaeng malapit na sa puso niya."Ate Shane" sabi ni Zildjian at niyakap si Shane.Niyakap naman siya pabalik nito at kumalas din agad.
"Okey ka lang ba?" tanong ni Shane sa dalaga at tumango naman ito."Okey na po ako" sabi niya.Lumapit naman si Shane sa mga puntod at isa-isang tinirikan ng kandila.Napabuntong hininga siya at tumayo na.
"Hali na kayo" sabi ni Shane kina Raze at Zildjian.Tumango naman ang dalawa at nag simula na silang mag lakad.
"Waiiit!" Sabay-sabay silang napalingon dahil sa pamilyar na sigaw.Napairap na lang si Zildjian dahil sa kabagalan ng taong kasalukuyang tumatakbo papunta sa kanila.
"Lagi ka na lang late!" sigaw ni Zildjian.Napakamot naman sa batok si Josh dahil doon.Natawa si Shane dahil sa reaksyon ni Josh.
"Tama na yan at pumunta na tayo" sabi ni Shane at pumasok na sa sasakyan.Sumunod naman ang tatlo sakanya.
Si Zildjian sa passenger's seat at yung dalawa sa likod.Bago paandarin ni Shane ang sasakyan ay may tinanong pa siya.
"Yung pagkain okey na ba?" tanong niya."Yup!" Sabi ni Raze."Eh yung mga sweets?" tanong niya."Okey na ate" sabi naman ni Zildjian.
"Ate,okey na lahat" sabi naman ni Josh at tinignan siya ng tatlo."Kung makapagsalita ka parang may naitulong ka naman!" sigaw ni Zildjian.
Natawa naman si Shane at si Raze."Sabi ko nga tatahimik na lang ako!" Sabi niya at tumahimik na nga.
Sinimulan ng mag maneho ni Shane papunta sa isang lugar.
~~~~~~~~~~
"Yah.Where's the cake?" inis na tanong ni Zildjian kay Josh.Inirapan lang siya ni Josh kaya piningot ni Zildjian yung tenga ni Josh.
"Aray!Tangina naman bakit ka ba nana----aray!" mas diniinan pa ni Zildjian ang pag kurot sa tenga ni Josh.
"Hey stop it" cold na sabi ni Raze.Ngumiting aso naman si Josh kaya masama siyang tinignan ni Raze."Are you jealous?" tanong ni Josh kaya napatingin si Zildjian kay Raze.
Lumayo naman si Raze kaya natawa si Josh."Okay guys,here's the cake" sabi ni Shane sa kanila at ibinigay kay Zildjian ang cake.
Ngumiti siya kay Shane."I'm so excited!" Sabi niya."Let's go now bago pa maubos yang kandila" sabi ni Josh at binuksan naman ni Raze ang pintuan.

BINABASA MO ANG
The Silent Killer
Mystery / ThrillerIsang babaeng nasira't nag dilim ang paningin dahil sa nakaraan niya. Ang babaeng tahimik pero hindi alam ng lahat na siya'y makamandag. How do you catch a killer who never leaves a clue? Highest Rank #76 in Mystery/Thriller (Note from 2021 PAT: I m...