(Jasmine's POV)
1 week na ang nakalipas.Patuloy parin sa pag text sa akin si Z.Minsan nga hindi ko na lang pinapansin pero ang weird kasi ng mga pinag tetetext niya.Kesyo tinitignan daw niya ako.Kesyo binabantayan niya yung galaw ko.The hell lang!
Alam niyo ba kinakabahan ako.This past few days kasi bigla na lang bumibilis yung tubok ng puso ko.Oo!Yung feeling na yung tibok na lang ng puso ko yung naririnig ko.
"There you are!" napatingin ako sakanya.
*Dug dug.Dug dug.Dug dug*
Shemay!Ito na naman!"Hoy Jasmine!" nabalik naman ako sa realidad "b-bakit?" bakit ako nauutal?! Bigla siyang ngumiti.Yung ngiting kakaiba.
"Nauutal ka.Bakit?" Tanong niya.Mas lumapit pa siya kaya lumayo din ako.Tumingin ako sa ibang direksyon."P-pake mo ba?!" Mainis ka Jasmine!Mainis ka!
"Yieeeee.Bakit nga?" Tanong niya.Pag tingin ko sa gilid ko nasapak ko agad siya sa gulat.ANG LAPIT NG MUKHA NIYA SA MUKHA KO!
"Aray!" Sabi naman niya.Nilapitan ko siya "Hala Kainu sorry" sabi ko sabay hawak sa pisngi niya.Tinignan naman niya ako.
Dun ko lang napagtanto na ang lapit ko sakanya at hawak niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya.
Mabilis akong lumayo.*Dug dug.Dug dug.Dug dug.*
Ano ba naman ito!Kita niyo na!May sakit na yata ako!
"Pasalamat ka babae ka" napatingin naman ako kay Kainu."Thank you" sabi ko naman na ikinatawa niya."Ikaw talaga ang cute mo!" Sabi niya't ginulo yung buhok ko.Pinalo ko naman yung tiyan niya."I'm not cute!" Sigaw ko.
"I'm yours" bigla niyang sabi dahilan para mag wala yung puso ko.Halaaaaaaaaaa!Ano ito?!Inirapan ko na lang siya para hindi halata na kenekeleg eke.
"You're blushing" sabi niya.Bigla akong napahawak sa magkabilaan kong pisngi."Wag ka nga!" Sabi ko sabay takbo palayo sakanya.
Anong nangyayari sa akin?
~~~~~~~~~~~~~~~
"Okay class,find a partner and answer the following" sabi ng teacher naman.Napatingin naman ako sa gilid ko't napairap.Tulog yung gusto kong ka partner.
"Jasmine tayo na lang!" napatingin ako sa kaklase kong si Jeremy."Sige na!" Sabi niya "Oh sig--"
"Ako" napatigil ako ng magsalita itong si Kainu.Tinignan ko siya ng iangat niya yung ulo niya."Ako ang partner mo" sabi niya sabay hawak sa kamay ko at pinaupo ako.
*Dug dug.Dug dug.Dug dug*
Hala!Ito na naman!Tumingin ako kay Jeremy na nakasimangot na.I mouthed 'sorry'.Pag tingin ko dito sa katabi ko nakatitig siya sa akin.
"Pasorry sorry ka pa" sabi niya.Ewan ko kung maiinis ako o kikiligin.Selos ba siya?
Gosh kinikilig ako!Hala!Kinikilig ako?!Hindi pwede!
"Anong gagawin?" Tanong niya sa akin.Ipinakita ko yung papel "Ito oh" sabi ko.Kinuha naman niya yun at tinitigan.Napataas yung isang kilay ko ng mag simula siyang mag sulat.Sinilip ko ito at himala!Nag sasagot siya!
"Here" sabi niya't ibinigay sa akin yung papel.Tinignana ko naman yung mga sagot niya't WOW.Tama niya lahat!Tinignan ko siya.
"Paano mo nasagot lahat ito ng tama?" Tanong ko.Tinignan naman niya ako at ngumisi "Basic" sabi niya at nag basic sign siya.Napailing na lang ako.
~~~~~~~~~~~~~
*Bell rings*
Nag inat ako.Yes lunch na.Nagugutom na kasi ako."Lunch tayo" napatingin ako sakanya."Ha?Nakakahiya wag na" sabi ko pero yung totoo gusto ko talaga.
"Nahiya ka pa" sabi niya sabay tayo.Wala ng tao sa room maliban sa aming dalawa."Hindi na nga--Uy!" nagulat ako ng bigla niya akong hilain palabas ng room.
Napatingin ako sa kamay kong hawak niya at napangiti.
*Dug dug.Dug dug.Dug dug*
Nadaanan naman namin si Josh."Jasmine saan kayo pupunta?!" Sigaw niya kasi medyo malayo na siya."Sa heaven!" Biglang sigaw naman ni Kainu kaya natawa ako.
"Hoy ibalik mo siya!" Sinusundan na pala kami ni Josh."Bilis" sabi niya sa akin at tumakbo kami ng mas mabilis.
Hindi kami naabutan ni Josh kaya huminto kami sa isang restaurant.Hindi muna kami pumasok kasi hingal na hingal pa kami.
Bigla namang nag beep yung phone ko kaya kinuha ko ito't binasa.
From: Z
Incoming!
At napatingin ako sa isang motor na mabilis umaandar papunta sa direksyon ko."Jasmine!" Sigaw ni Kainu at mabuti't nahila niya ako.
Tinignan ko yung plate number ng motor pero wala.What the hell?!"Jasmine are you okay?Nasaktan ka ba?" tanong ni Kainu.
Napayakap ako sakanya.Natakot ako.Sobra."It's okay" sabi niya't niyakap ako pabalik."Let's go inside" sabi niya't pinauna na ako.Binasa ko ulit yung text ni Z.
Paano niya alam na may paparating na motor?Siya ba yung nakasakay doon?
~~~~~~~~~~~~
Nandito na ako sa kwarto ko ngayon.Nakatulala sa kisame at nag iisip.
Sino ba yung gustong bumangga sa akin?Bakit ako?May balak bang pumatay sa akin?Kilala ba siya ni Z?o ni Marvin?Baka naman kasamahan niya yun.
Napaupo ako sa naisip kong baka kasamahan yun ni Marvin.Malay mo nalaman na niyang ako ang anak ng mga pinatay niya noon.
Ah ganun ha.Patayan ang gusto niya?Magaling ako dyan.
~~~~~~~~~~~~
Heyyo!Sorry lame ang update ko nayon.Don't worry babawi ako.
If you like this update give it a star.Make sure to follow me and wait for more updates!
BINABASA MO ANG
The Silent Killer
Mystère / ThrillerIsang babaeng nasira't nag dilim ang paningin dahil sa nakaraan niya. Ang babaeng tahimik pero hindi alam ng lahat na siya'y makamandag. How do you catch a killer who never leaves a clue? Highest Rank #76 in Mystery/Thriller (Note from 2021 PAT: I m...