ⓣⓦⓞ

506 16 4
                                    

3rd Person's

Wonwoo just arrived in front of the cafe, still inside the car debating with himself if he's going inside or he's going to back out.

Ano nga bang kinakatakot niya? Ano bang kinakakaba niya?

Yes, he is going to meet his ex, who is Mingyu who happened to be the man he's going to have a deal with.

Well pano nga ba kasi siya napunta sa sitwasyon na 'to, ang makipagkita sa taong minahal niya noon.

Kim Mingyu is a president of one publishing company, and the reason why Wonwoo is going to meet him ay dahil sa alok nito sa writer na ang company niya na ang humawak ng mga librong ipupublish ni Wonwoo. Well he isn't going to talk to him if he's not interested, but honestly kung si Wonwoo ang tatanungin hindi siya interesado sa alok ng kompanya, bakit niya nga ba tatanggapin ang alok kung mayroon na siyang fixed publishing company na siyang nakasuporta sakanya simula pa lamang ng career niya.

But fate is really a cruel player, and with Wonwoo's luck. Siya ang target nito ngayon.

The publishing company that he has been with since the very start is currently dealing with some issues, which can actually lead to it's closing. Hindi alam ni Wonwoo kung bakit nagkaroon ng problema pero isa lang ang alam niya, alam niyang pinaglalaruan siya ng tadhana, sakto ba naman kasi na kung kailan may aberya sa publishing company na hawak siya eh saka naman dumating ang alok ng kompanya ni Mingyu para sakanya.

That is why he is going to have a meeting with Kim Mingyu.

He's supposed to feel happy because someone is willing to believe and work with him again but no, he actually doesn't know what he feels right now.

Tatlong Rason, Tatlong rason kung bakit natatakot siyang harapin ang taong dapat niyang imemeet ngayon.

Una, Ilang taon na ang lumipas ng huli nilang pagkikita, huli nilang pag-uusap, huling sulyap sa isa't-isa. It's been 5 years since the last time he took a glance from Kim Mingyu

Pangalawa, He doesn't know what to say, to Kim Mingyu

Pangatlo, ang panghuli, find it cliché for each ex-lovers' love story, but he still love KIM MINGYU, pero hindi lang naman iyon ang huling rason, idagdag mo pa yung bigat ng dibdib niya dahil sa pagsisisi na dala-dala niya sa limang taon. Pag-sisisi dahil tinapos niya ang lahat, at sinaktan ang taong iyon.

Pero sino bang niloloko ni Wonwoo, bakit ba kasi siya nagpapaapekto sa mga 'to, he is just going to meet Mingyu because of a business matter, hindi personal matter. Mag-uusap sila because Mingyu is going to ask him for a deal, hindi sa kung ano man ang nangyari sa kahapon nilang dalawa.

Pero half of him is actually wishing na sana. Sana makausap niya si Mingyu, makausap niya ito tungkol sa kanilang dalawa.  Pero kalahati din sa sarili niya ang nagsasabing 'bakit pa? kung matagal mo ng tinapos ang kung anong meron kayong dalawa para sa isa't-isa?'

'Be professional Jeon Wonwoo, tama na yan' nasabi niya na lamang sa sarili at pagkatapos nito, lumabas na siya sa kotse niya.

Pagkapasok na pagkapasok niya, triny niya agad hanapin si Mingyu.

Nilibot niya ang mata niya sa loob ng cafe hanggang sa isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan niya.

Napatingin siya sa likod niya at nakita niya ang taong hinahanap niya.

Infront of him is Kim Mingyu.

He was stuck staring at the man infront of him. Isa lang ang masasabi niya. Sobrang laki ng pinagbago ni Mingyu. He really looks like a Big Boss of a company.

Back To December ु meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon