ⓣⓗⓡⓔⓔ [1]

419 15 5
                                    

[!] Flashbacks/Past Events are intended in this chapter.
PART ONE.

One week in a row, pitong araw na alam ni Wonwoo na hindi siya nakakatulog ng maayos, scratch that-- hindi talaga siya nakakatulog, it's been one week since they lost contact with each other, it's been one week na parang bula nalang nagtapos ang lahat, sa isang iglap ang ilang taong pagsasama nawala, nasira, naglaho.

Paano nga ba sila umabot sa ganitong punto ni Mingyu?

Napatingin si Wonwoo sa bintana ng kwarto niya, patuloy ang paghulog ng mga dahon sa puno, senyales na taglagas nanaman.

And as he watches the leaves fall from the tree, everything brings back to him. Yung unang araw na nakilala niya si Mingyu.

It was dark that night (//dark lyk mengyo djk lang ahehezz;;) past 11 pm na at wala ng masyadong tao sa labas, pero pwera kay Wonwoo na mas piniling lumabas ng gantong oras, bakit? kasi sa mga oras nato, sa labas niya lang nararamdaman ang salitang katahimikan.

Alas-onse ng gabi, naglalakad siya sa side-walk, malamig ang simoy ng hangin na siyang dahilan para mapayakap si Wonwoo sa sarili niya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, ang tanging alam niya lang ay gusto niyang lumayo, lumayo sa bahay nila kung saan naiwan ang nga magulang niyang patuloy lang sa pag-aaway.

Paulit-ulit nalang, walang-araw walang-gabi na hindi nagdidiskusyon sa bahay nila, walang araw na di siya nakakarinig ng mura, walang araw na di siya nakakarinig ng masasakit na salita galing sa mga magulang niya.

Sawang-sawa na siya na gusto niya ng takasan lahat ng nararanasan niya. He's too tired of being shadow in their broken home. Pagod-pagod na siyang maging anino na hindi napapansin ng kaniyang magulang, na tila ba sa bawat pagtatalo nila kinalimutan na nila na meron silang anak na nangangailangan ng gabay, pagmamahal at atensyon nila.

With a head bowed Wonwoo continued walking all the way on the street, wala na siyang pakialam kung saan siya dalhin ng paa niya. Dama niya ang pagkulo ng sikmura niya sa gutom, pero hindi niya nalang to pinansin.

He continued walking until he stopped in front of a 24/7 open convenience store Pumasok siya dito at napansing tatlo lang ang tao, ang cashier, siya at ang lalaking nakaupo sa may bintana na kumakain ng ramen. Derederetso lang siya at di nagabalang pumunta sa food corner para kumuha ng pagkain, wala siyang pera anong ipambabayad niya?

Pumunta siya sa pinakadulo ng mga table at doon naupo, alam niyang di siya napansin ng cashier dahil busy ito sa pagcecellphone pero alam niyang ang lalaking kumakain ng ramen ay nakatingin sakanya.

He seated there while playing with his fingers, medyo nangi ginig siya dahil nilalamig siya dahil syempre aircon yung store, hindi niya alam kung ano bang gagawin niya, hindi niya nga din alam kung anong naisip niya at pumasok siya sa convenience store na 'yon gayong wala naman siyang bibilhin, pero dahil na rin siguro may mahal niya pa naman ang buhay niya kahit minsan naiisip niya na gusto niya na yun magtapos, feeling niya mas ligtas siya sa loob ng store na yun.

Ilang minuto na din siyang ganoon, nakatunganga lang at pinaglalaruan ang mga daliri niya, nakayuko, hanggang sa may nagpatong ng ramen sa harap niya.

Napaangat agad siya ng ulo niya at nakita ang lalaking kaninang nasa kabilang dulo na kumakain ng ramen.

"Kainin mo yan para mainitan ka" sabi ng lalaki na tumabi na sakanya.

Napatingin naman siya dito, bakit naman niya tatanggapin ang ramen na bigay ng estranghero?

"Mingyu, Kim Mingyu ang pangalan ko, kainin mo na yan, wala akong nilagay diyan na lason pwera sa mainit na tubig, kanina ko pa kasi napapansin na nanginginig ka sa lamig, kaya ayan para di kana ginawin, kainin mo na habang mainit" nakangiting sabi nito sakanya.

Back To December ु meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon