Max POVNandito na kame sa bago nameng titirahan ni dad .
Sapat na to para sa ameng dalawa hindi malake at hindi din maliit .Welcome to heaven town Hindi naman siya literally nasa heaven kana okey ?! -_-||
Well actually hindi ko alam kung saan to .
kakasabe ko palang kagabe na sana makalipat kame sa mas simpleng bahay para malayo din si dad sa stress sa trabaho Niya .
At buwalaaa!! Natupad nga at dahil yung sa magic ng dila ko .
Lahat ng lalabas sa bibig ko mangyayare bigla nalang mag popop up ang gusto ko palabasin at mawawala ang gusto kong mawala . Pero may ilan din limitation to .
Tingin niyo isa batong biyaya o sumpa .
para saken ? Hindi ko alam .
Basta ang dapat ko lang tandaan mag iingat ako sa mga sasabihin ko .Dahil hindi ko na mababawe kung anu man ang sabihin ko.
Any way sa dame kong sinabe magpapakilala muna ako .
I'm Maxine joy Villaraiz or Max
17 years old , mahilig makinig ng music , friendly ako before pero ngayon a ultimate loner na ako.Baket? Nag iingat lang ako ayoko na kase maka saket pa ng iba.
So ayun na nga dumaretso na ako sa kwarto ko di ko na pinansin si dad ..
Simula kase nang malaman kong may kakayahan akong ganito bihira na ako mag salita kahit sa dad ko .Alam kong nalulungkot siya kase akala niya binabalewala ko na siya .
Pag pasok ko sa room ko nahiga na agad ako para matulog dahil papasok na ako sa heaven university.. sana lang heaven talaga.
♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬♬
Kinabukasan
"Introduce your self miss?" Sabe ng prof. Namen .
"Im Maxine joy Villaraiz" saad ko wala naman pake elam ang mga studyante saken o sa sinasabe ng prof.
naupo nako sa likod at yumuko sa lamesa ko.
Nang bigla nalang humangin kahit na naka sara naman ang mga bintana.
"Good morning sir im sorry im late" -- sabe ng babaeng sobrang ganda .
Long hair , maputi , matangkad , at mahahalata mong maganda ang pangangatawan nito .Pero hindi pa yun ang nakakapag taka dahil ang dame talagang lalakeng naka sunod sa kanya pati yung mga kaklase ko parang may mga puso sa mata isama mo pa ang prof. Namen .
" a-aahh i-its o-okey miss devin y-you may take your seat"-- prof. Glenn
"Thank you sir "-- naka ngiting saad nito .
Parang commercial model lang ng toothpaste ee.
Palapit na ito sa tabe ko at parang umiinit ang dibdib ko .
"Ughh" -- Teka Baket ganun?.
"Heyy? Are you okey ?'-- tanong ni devin saken .
"Y-yeah .."
"Let's go dadalhin kita sa clinic" -- siya. Tinulungang niya ako tumayo .
"Excuse us sir"
"Okey miss Devin" -- tulala paring Ito.
Nang naka labas na kame tinawag niya ang isang estudyante na naka salubong namen .
"Help me to carry her" -- devin
![](https://img.wattpad.com/cover/99618941-288-k67995.jpg)