Maxine POV
Sabi ni jaijai maaaring nandito pa si xcy sa school at nagtatago lang .
Wala na rin pala ang mga ibang studyante dito dahil na dismissed na ang klase pero malakas ang kutob namin na hindi pa naalis si xcy dito .Isang swimmer si xyc kaya pwedeng nasa swimming club siya ngayon. Ayon yan sa data na nakuha namen sa kanya sa tulong naden ni jai dahil siya ang anak ng may ari ng school .
Maya-maya pa narating namin ang swimming club .
"Handa naba kayo?" Jai
Teka lang aware akong may mga kapangyarihan sila vonnie , iris , at calix pero pati ba si jairus meron din?.
"Max? Max?" Tawag saken ni vonnie
"A-ahh?"
"Papasok na tayo mag handa kana" napatango nalang ako .
Binuksan ni jaijai ang pinto medyo madilim dito sa loob malaki ang swimmer club kaya mukhang mahihirapan kameng hanapin si Xcy nagdahan dahan lang kame sa pag pasok pero parang ako lang ata ang nag dahan dahan dahil para silang namamasyal lang sa luneta .
"Teka lang antayin nyo ko!" Mahinang sabi ko .
Pero bigla nalang sumigaw si cal .
"Xcyrille vipero!! Nanjan kaba ?!!" Cal
Nagulat talaga ako sa ginawa niya .
Pero hindi man lang siya pinigilan nila jai ."Pst. Cal baket ka sumisigaw?!" Mahinang ko paring saad sa kanya .
"Hahaha anu ka ba naman max nandito tayo dahil sa kanya at kailangan naten siya makausap nakakatamad naman maghanap" paliwanag niya .
"Nako oo nga hinahanap naten siya pero baka tayo naman ang malagot" bulong ko padin .
"Kameng bahala hahaha tsaka wag kanang bimulong"
"Hayy. Max ganyang talaga kaingay yang CALbo na yan" vonnie
"Sinong kalbo ahh?! Yvonne walang pak pak !" Cal
"Iris." Si jai naman ang nagsalita .
At mayamaya lang binigyan niya ng tig isang batok yung dalawa .
"Aray!!""Ouch!!" -- cal/vonnie
"Nandito na siya" jai
Nawala ang atensyon ko sa dalawang pasaway at naka tingin ngayon sa babaeng kalalabas lang sa locker room medyo malayo layo siya samen pero nakikita ko siya kahit papano ."Umalis na kayo" xcy
"Ikaw ba ang may gawa nun?" Pagtukoy ni iris sa nangyare kay daisy .
"Wala kayong alam kaya pwede ba umalis nalang kayo habang nakakapagpigil pako" xcy
"Sorry dear pero kailangan mong sumama samen" vonnie
"Sabi nang umalis na kayo!!" Nagulat kame nang biglang may malaking ahas ang lumabas mula sa tubig.
Napaatras ako .
ibig sabihin Hindi din normal na tao si Xcy?."Tulad ng inaasahan hindi ka normal" cal at biglang sumugod sa malaking ahas nag form ang buong braso niya na parang karit at inatake ito .
"Arrrgh!!" Ungol na ahas .
"Hindii!!! RM !" Sigaw ni Xcy .
Nakalaban pa ang malaking ahas kay cal at tumalsik siya sa mga bleachers dito .
"Cal!!" Sigaw ko pero tumayo ito na parang wala lang at ang braso niya na kanina ay karit lang ngayon ay pana na .
Pinana niya ang ahas sakto sa panga nito .