Chapter 3: The shape shirter

2 1 0
                                    


Yvonne POV

Nandito kame sa tambayan nameng magkakaibigan nila kuya jairus ate aljent  si bes iris pati etong si calix .

First time palang dito ni Max kaya alam kong namamangha pa siya na meron kameng sariling lugar sa H.U.

Si kuya jairus ang nagpagawa nito para kay ate aljent tutal isa si kuya sa  nirerespeto dito dahil siya ang presedent ng student council at pamilya niya may ari ng school nato .

Ayaw na ayaw ni kuya na may nag aaway sa loob ng H.U. lalo na kung may masirang gamit dito medyo may pagka maarte kase yun haha. Pero wag kayo maingay . Shhhh. Quiet lang .

"Hoyy Yvonne na walang pak pak !! wag mo naman ako masyado isipin nandito lang ako"-- sigaw ni calix sa harapan ko .

"Anak ng tipaklong ka !!!"-- sabay uppercut ko sa loko nato .

"Arayy--" sabe niya habang hawak niya ang baba niya .

"Ayos ka lang ba cal?"-- tanong ni Max .

Napalingon naman ako kay max dahil sa pag tawag niya kay calix ng cal.
Nakita ko din na natigilan si calix.

"anong tinawag mo saken ?"

"Hmm. Cal short for Calix hehe panget ba?"-- sabe pa ni Max habang nag kakamot ng ulo .

"Sus. Kunwari kapa Max ang sabihin mo Cal short for Kalbo!!! Hahahaa!"-- pinagaan ko na ang awkward moment para kay calix dahil alam kong maaalala niya nanaman si ate aljent.

Si ate lang kase ang natawag sa kanya ng Cal .

"anung kalbo ka jan ? ang dami ko pa kayang buhok!! Tss.palibasa ikaw Yvonne na walang pak pak !"

"Shut up kalbo! Nga pala Max may power kaden pala ahh bat wala kang sinasabe saken ?"-- naka pout na tampo ko.

*MAX POV*

"ahh ano k-kase --" pagpapaliwanag ko.

"Woahh? Talaga may power ka Max?"

"H-hindi sa gan--"-- ako ulet

"Waaahh! Tinatangge mopa talaga?"-- yvonne teka lang patapusin muna kase ako .

Bigla namang nagpatong ng baso si calix sa harap ko .

"Uhh?"-- ako

"Palutangin mo."

"T-teka nag kakama--"-- ako na umiiling iling pa .

Pero bigla nagbago ang braso ni calix naging isa itong karit at mahahalata mong napaka talas nun .

"Hindi lang si yvonne ang may powers Max tingin ko naman nakita mo na nag bago yung braso ko nung niligtas kita pero hindi ka nagtanong ng kahit ano saken"

"Yeah. Nakita niya din nag glow yung mata nung may inutusan ako"

"See? kaya hindi mona dapat itangge pa kaibigan mo kame Max you can trust us"-- nakangiting sabe ni cal.

Napa buntong hininga ako then .

"Sana Lumutang ka" -- mahinang saad ko at sakto den paglutang ng baso sa harap namen.

"Woaaah"-- sabay na saad nila

Hindi ko alam pero may pumipigil saken na sabihin talaga kung anung kaya ko .

"Miss Devon." -- gulat kame napatingin sa pinto nang biglang may pumasok.

Bumagsak yung baso at napatayo kame .

Yung itsura ng prof. Ay parang nakakita ng multo .

"W-what --" bago pa matapos ng prof. Ang sasabihin niya nagsalita na si Yvonne.

Cursed TongueWhere stories live. Discover now